Jessy Mendiola sa basher ng anak: Iayon sa ganda ang panlalait

Jessy Mendiola sa basher ng anak: Iayon sa ganda ang panlalait

HINDI pinalagpas ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang netizen na nanglait sa itsura ng anak nila ni Luis Manzano na si Baby Rosie.

Nagbahagi kasi ng larawan ang aktres kasama si Rosie sa kanyang Facebook page.

Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol ang naturang larawan kung saan kabilang na rin ang talak ng isang netizen tungkol sa pagkakaroon ng eyebags ng anak ni Jessy sa murang edad.

“Grabe, bakit ganyan yang bata? Wala pang two years old pero ang eyebags pang-80 years old na,”komento ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Jessy Mendiola sa paggamit kay Rico Yan bilang content: Disrespectful!

Agad naman itong sinagot ni Jessy at pinagsabihan ang netizen na maghinay-hinay sa panglalait.

“Nasa lahi namin na may eyebags talaga kasi half Lebanese. Kalmahan ang paglait sa bata.

“Iayon po natin ang ganda sa panlalait. Tingnan niyo po muna sarili niyo sa salamin,” bwelta ni Jessy.

Matatandaang nabanggit noon ng aktres na susuportahan niya ang anak kung naisin man nitong pasukin ang showbiz.

“Kung saan siya masaya—if she’s not comfortable being in front of a lot of people, it’s okay. If she is, then good,” sey ni Jessy.

“For me, kung saan siya masaya, I will support her. Hindi na rin stranger ang family namin sa showbiz and politics,” dagdag pa niya.

Read more...