GABBY di kayang makipagrelasyon sa bagets: Ayoko naman ng ganu'n! | Bandera

GABBY di kayang makipagrelasyon sa bagets: Ayoko naman ng ganu’n!

Ambet Nabus - November 10, 2013 - 03:00 AM


AT 50, dapat lang talagang maging proud si Gabby Concepcion dahil nabibigyan pa rin siya ng mga proyekto na talagang siya ang bida.

Sa Viva Films offering na “When The Love Is Gone” (based again sa original 1983 movie na Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi ng yumaong si direk Danny Zialcita), he is reprising the role of the late Dindo Fernando.

Pero unlike in the original version na halos kaedaran ng aktor ang kaeksena niya, sa 2013 version na isinulat ni Keiko Aquino, ang napakaseksing si Cristine Reyes ang kaeksena ni Gabby sa mga maiinit na tagpo sa pelikula.

Kaya naman nang diretso naming itanong sa aktor kung nakaka-relate ba siya sa role niya bilang isang babaero na na-involve sa batang babae, mabilis ang depensa nito, “Not at all dahil wala naman talaga akong ganu’ng experience.

Sa movies ko lang ito nararanasan kaya grateful ako talaga sa industriya at sa mga nagtitiwala sa akin,” paliwanag nito.
Noong bumalik siya ng bansa some four years back ay agad siyang nabigyan ng comeback movie kung saan si Angelica Panganiban ang kanyang naging leading lady. This time, si Cristine Reyes naman.

“Paano naman akong mag-ku-complain pa, di ba? Basta ako trabaho is trabaho. Wala akong dapat gawin kundi pag-igihin ito,” hirit pa ng aktor na nag-celebrate ng kanyang golden year last Nov. 5, pero kahit saang anggulo mo tingnan, batambata pa rin ang kanyang aura.

Kasama rin sina Alice Dixon, Andi Eigenmann at Jake Cuenca sa “When The Love Is Gone” under the direction of Andoy Ranay. Showing na ang movie on Nov. 27.

Still on Gabby, naitanong namin kung ano ang kanyang reaksyon sa napapabalitang pag-entertain ni KC Concepcion sa mga friendly dates with some known personalities gaya ng NBA player na si Chandler Parsons at nitong huli nga ay ang aktor na si Paulo Avelino.

“Sa maniwala kayo o hindi, never talaga naming pinag-uusapan ang mga ganyan. But as a father siyempre lagi lang tayong nandiyan for them in any situation.

Very confident naman akong napalaki ko ang mga anak ko na kahit may iba-iba silang mga nanay, ay nakilala nila ang isa’t isa by simply instilling in them na may common factor sila in me,” sey pa ng aktor.

Tanggap na rin nitong matawag na “lolo” bilang reaksyon din sa wish ni Mega na magkaroon ng apo kay KC, “Okay lang kahit na ano (ang tawag sa akin ng future apo).

Basta masaya ang lahat,” saad nito sabay sabing, “Naiintindihan ko si Sharon kasi talaga namang masarap yung may baby sa bahay. Nami-miss lang talaga siguro niya ang ganu’n.”

Wala umanong isyu sa kanya kung si Paulo man o ibang lalaki ang maging kapalaran ng anak dahil lubos ang tiwala niya kay KC na nasa tamang edad na rin naman para magdesisyon para sa kanyang sariling buhay, “Pero siyempre bilang nasanay na akong ako lang ang lalaki sa buhay nila o dream man nila, baka hindi rin maging ganu’n kadali ‘yun,” ang natatawa pang sabi ni Gabo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending