HINDI expected ng rising OPM singer na si Daniel Paringit na makakapag-release siya ng debut album this year.
Ito ang inamin niya nang makachikahan ng BANDERA kasabay ng “Checkpoints” album launch event sa Quezon City noong August 3.
“Walang salita eh sa kung ano ang nararamdaman ko talaga. Kasi ayun nga, first time kong mag-release ng album sa buong music career ko. Hindi ko rin siya in-expect na magkakaroon ako ng album,” sey niya.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Daniel Paringit super close kay Zack, anong advice sa kanya?
Nang tanungin naman namin siya kung ano ang pinakapaborito niyang track sa album, ang sagot niya ay ang “Buntong Hininga.”
“Kasi isa siya sa perfect example na isa sa checkpoints ng buhay ko, na naranasan ko. Actually, kanta siya para sa sarili ko,” paliwanag ng singer.
Kwento pa niya, “Parang na-experience ko kasi ‘yung checkpoint sa buhay na kahit sino ka, kahit ano ka pa or gaano ka man katalino or gaano ka man karaming alam sa buhay, pag na-inlove ka, parang nakakatanga talaga. Kahit minsan mali na kung nasaan ka, pero dahil inlove na inlove ka, parang bulag na bulaga ka kumbaga. Parang kahit anong sabihin ng mga kaibigan mo, wala kang papakinggan kasi nga inlove ka.”
“Pero at the end of the day, eventually kung hindi talaga para sa atin, mawawala naman. Pero ‘yung para makapag-move forward ka, tsaka para matanggap mo na hindi talaga, sarili mo lang ‘yung makakatulong sayo,” patuloy ni Daniel.
Aniya pa, “‘Yun ang ‘Buntong Hininga’, it’s a song about talking to yourself na parang, ‘uy, kahit nasa relationship ka ngayon, matagal ka naman nang mag-isa,’ parang ganun.”
At dahil napag-usapan din namin ang tungkol sa nag-iisang collab track ng “Checkpoints” album, inusisa na rin namin kung sino ‘yung mga napupusuan niyang makasamang gumawa ng music bukod pa sa kaibigan niyang si Zack Tabudlo.
Nabanggit ni Daniel ang kanyang mga idol na sina John Mayer at The Script, pati na rin ang bandang Dilaw.
“Siguro kasi kung magdi-dig deeper ‘yung mga tao sa music ko, never mawawala ang rock. As in rock talaga ‘yung naging foundation ng music ko tapos parang unique for me ngayon –parang lahat kasi nasa R&B and pop or hip-hop,” esplika niya.
Dagdag niya, “Pero Dilaw, wild ‘diba, parang Kamikazee vibes. Eh sobrang fan ako ng Kamikazee.”
Nabanggit din sa amin ng singer na magkakaroon na siya ng music video very soon kaya naitanong namin kung sino-sino ba sa mga local celebrities ang nais niyang bumida.
“Tingin ko, uunahin ko ‘yung friends ko na nasa industry rin. Like siguro si Niana Guerrero or si Yskaela [Fujimoto], pwede rin si Asian Cutie. [Basta] bahala na depende sa magiging istorya ng music video ko,” sagot niya sa amin.
Samantala, mapapakinggan na sa lahat ng digital music platform ang “Checkpoints” album.
Ibinandera niya riyan ang mga personal niyang karanasan sa buhay, kabilang na pagdating sa lovelife at kaibigan.
Mayroon itong nine tracks, kabilang na ang Kabilang na riyan ang “Buntong Hininga,” “Di Mo Lang Alam,” “Dinggin,” “Kunwari,” “Palaisipan,” “Sayo (Heto Na Naman),” “Wag Kang Ganyan,” at “Di Ba Sapat” na may collaboration with Zack.