Carlos ibinandera ang tumayong ‘nanay’ niya: Lahat ng obstacles, nandoon siya

Carlos ibinandera ang tumayong ‘nanay’ niya: Lahat ng obstacles, nandoon siya

Carlos Yulo, Cynthia Carrion

“SIYA po ‘yung tumayo bilang mother [ko].”

Ganyan inilarawan ng two-time Olympic champion na si Carlos Yulo ang pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na si Cynthia Carrion.

Kasabay ng pagbati ng veteran sports reporter na si Dyan Castillejo, makikita rin sa Facebook ang naging exclusive interview niya with Carlos matapos makuha ang ikalawang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics.

Inisa-isa namin ang ibinanderang videos ni Dyan at napanood namin doon ‘yung pag-flex ng gymnast champion sa itinuturing niyang ina na si Cynthia.

Ayon kay Carlos, hindi raw siya iniwan nito mula sa pagte-training niya hanggang sa mag-compete na siya sa Olympics kaya todo ang pasasalamat niya.

Baka Bet Mo: Hugot ng tatay ni Carlos Yulo: Magulo pala ‘pag marami kang pera

“Grabe po ‘yung trust and ‘yung pag-believe, paniniwala po niya sa akin. May tao po talagang naniniwala sa kakayahan ng katulad ko po. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa kanya,” sey ni Carlos.

Patuloy niya, “Lahat po ng obstacles, nandoon si Ma’am Cynthia. Siya po ‘yung tumayo bilang mother [ko]. ‘Yun po ang turing ko sa kanya.”

“Grabe ‘yung pagsuporta, ‘yung pag-alaga niya sakin. Wala ako masabi. I’m so grateful and blessed na pinakilala siya sakin ng Diyos at ipinakilala ako sa kanya,” pagpupuri pa ni Carlos sa pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines.

Chika pa ng Olympic Hero, “Grabe ‘yung naging experience namin, alam po ‘yun ni Ma’am Cynthia. Sa lahat po ng hardhips kasama ko siya. I’m really grateful na naniwala siya sa akin.”

Magugunitang naging hot topic sa social media ang isyu sa pagitan ni Carlos Yulo at sa kanyang pamilya, lalo na sa inang si Angelica.

Nagsimula kasi ito nang maging agaw-pansin ang post ng nanay ni Carlos na mas pinapaboran niya ang panlaban ng Japan kaysa sa sarili niyang anak.

Ilang beses nang nagsalita si Angelica upang linawin ang isyu, habang nagsabi na rin si Carlos na ayaw na niyang pag-usapan ang gusot sa kanilang pamilya.

“Unang-una po, matagal ko nang pinatawad ‘yung parents ko po,” giit niya sa isang interview recently.

Patuloy niya, “Ang sakin lang po, personal na po namin itong problem at ayaw na po namin ito masyadong pag-usapan.”

Ayon sa kanya, ang mas gusto niyang bigyang-pansin ay ang Pinoy athletes na lumaban sa Paris Olympic 2024 para magbigay ng karangalan sa ating bansa.

“Andito po tayo ngayon sa Olympics. Gusto ko pong i-celebrate ang pinaghirapan po ng mga atleta at ‘yung mga nakamit ng atleta,” sey ng Olympic champion.

Read more...