Julia umasa nga ba kay Joshua na ‘mas’ ipaglalaban ang relasyon nila noon?

Julia umasa nga ba kay Joshua na ‘mas’ ipaglalaban ang relasyon nila noon?

PHOTO: Instagram/@garciajoshuae

NAPA-THROWBACK ang dating magdyowa na sina Julia Barretto at Joshua Garcia patungkol sa kanilang relasyon noon.

Ito ay sa pamamagitan ng isang lie detector game na ibinandera ng ReCreate sa YouTube noong August 4.

Ang questions na inihanda ng game organizers ay tungkol sa kanilang “regrets” at “wishes.”

Isa sa mga agaw-pansin na tanong ni Joshua ka Julia, “Have you ever wished I fought for our relationship more?”

Pag-amin ni Julia, “We want people to fight for us, so yeah.”

Baka Bet Mo: Reunion movie nina Joshua at Julia mapangahas, nakakatakam, spicy!

Paliwanag niya, “I mean, it’s true. We want people that we fight for, fight for us back. So, take a hint.”

Tinanong naman ng aktres ang aktor kung nagsisi ba ito sa kanilang relasyon.

Sey ng dating boyfriend ni Julia, “Of course not.”

“Hindi ko siya nire-regret. Two years ‘yon, ang tagal ‘nung relationship. Ang daming itinuro sa akin na nagamit ko sa mga sunod ko na relationship,” saad pa niya.

Ibinunyag din ng young actress na naging malapit ang loob ng kanyang pamilya kay Joshua noong sila pa.

Kasunod niyan, inilarawan ni Julia si Joshua bilang isang “good partner” at inamin na na-miss niya itong makasama sa set.

“I do love working with Josh. We really have this special dynamic,” pag-amin ng Kapamilya actress.

Patuloy niya, “Iba ‘yung communication namin at ‘yung pagkakaintindi namin sa isa’t isa. Parang may kasama ka sa laban na ‘to, parang may ka-journey ka.”

Kung matatandaan, nag-umpisa ang relasyon ng dalawa noong 2017 at sila’y nagkahiwalay noong 2019.

Taong 2021 naman nang kumpirmahin ni Julia ang tungkol sa tunay na relasyon nila ng aktor na si Gerald Anderson.

Read more...