MAS lalong bumilib ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo kay Asia’s Multimedia Star Alden Richards nang magkasama sila sa “Pulang Araw”.
Bukod kay Alden, puring-puri rin ni Dennis ang mga co-stars niya sa naturang GMA series na sina Barbie Forteza, Sanya Lopez at David Licauco, na tinawag pa niyang mga Kapuso superstar.
Sa naganap na solo mediacon ng GMA para kay Dennis, nabanggit ng aktor na super thankful siya na nabigyan siya ng chance na makatrabaho for the first time si Alden.
“Masarap ‘yung pakiramdam na makatrabaho ang mga superstars. Feeling mo ka-level ka rin nila,” sey ni Dennis.
Baka Bet Mo: Dennis handa na sa bardagulan nila ni Alden sa ‘Pulang Araw’: Exciting!
“First time kong makatrabaho si Alden at makikita mo talaga ang passion niya every time magkaeksena kayo. ‘Yung energy level niya parang hindi siya napapagod, eh. Talagang ibang klase rin ang Alden Richards,” aniya pa.
Tungkol naman kina Barbie, David, at Sanya, “Habang lumilipas ‘yong panahon nakikita mo ang growth nila. Si David lalo na talagang lagi rin niyang ini-improve ang sarili niya.
“Malaking improvement na ‘yung nakita ko sa kanya simula noon hanggang ngayon,” saad pa ng husband ni Jennylyn Mercado.
Actually, reunion project nina Dennis, Barbie at David ang “Pulang Araw” pagkatapos ng kanilang super hit series na “Maria Clara at Ibarra”, habang nagkasama na rin noon sina Dennis at Sanya sa “Cain at Abel.”
Sa “Pulang Araw”, gagampanan ni Dennis ang karakter bilang Japanese Imperial Army Col. Yuta Saitoh, ang kauna-unahan niyang major kontrabida role na talagang napakasama.
Baka Bet Mo: Alden humingi ng tulong sa lola bilang paghahanda sa ‘Pulang Araw’
Sunod na tanong sa kanya, bakit kailangang mapanood ang “Pulang Araw”, lalo na ng Gen Z, “Kailangan nilang panoorin ito ng ating bagong henerasyon dahil hindi lahat nakakaalam nung mga nangyayari nung panahon ng Hapon, lalung-lalo na siyempre itong mga bagong mga kabataan ngayon.
“Hindi sila nakuwentuhan ng mga lolo’t lola nila, nung mga ninuno nila, nung mga karanasan nila ng panahon ng Hapon.
“Kaya importante na mapanood ito ng bagong henerasyon para malaman nila yung pinagmulan nila, para mas maging proud sila naging Pilipino sila.
“Makita nila yung kagitingan, yung mga dinanas na hirap ng mga Pilipino noon para mas ma-inspire sila. At siyempre, para makita nila yung kung gaano kahirap yung panahonng giyera, di ba?
“Ayaw nating maranasan ulit kaya siguro importanteng mapanood nila ito para maging maayos yung relasyon nila sa lahat.
“Huwag na silang magkaroon na giyera sa mga pamilya nila o sa mga ibang bansa na ayaw nating mangyayari ngayon,” paliwanag pa ni Dennis.
Kasama rin sa cast ng serye sina Epy Quizon, Rochelle Pangilinan, Ashley Ortega, Angelu De Leon, with special participation from Rhian Ramos, Julie Anne San Jose at iba pang big stars ng GMA.
Napapanood sng “Pulang Araw” sa GMA Prime, 8 p.m. after “24 Oras.”