Angeli Khang sa pakikipagrelasyon sa tomboy: Basta I like boys!

Angeli Khang sa pakikipagrelasyon sa tomboy: Basta I like boys!

Angeli Khang

IN FAIRNESS, magaganda ang reviews na nababasa namin sa latest movie ng Vivamax Queen na si Angeli Khang, ang “Unang Tikim”.

Kasama niya sa movie na showing na ngayon sa mga sinehan ang kaibigang si Robb Guinto na isa rin sa mga maituturing na original Vivamax bombshell.

Kuwento ng dalawang babaeng magkarelayson ang “Unang Tikim” na dadaan sa matitinding pagsubok bilang lesbian couple kaya naman asahan ang maraming sex scenes sa pagitan nina Angeli at Robb.

Baka Bet Mo: 2 Vivamax stars nagbenta ng underwear kay Boss Toyo, inamuy-amoy pa!

Nakachikahan namin si Angeli sa nakaraang presscon ng “Unang Tikim” at naikuwento nga niya ang mga nakakalokang love scene nila ni Robb sa pelikula mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr..


Ayon may Angeli, hindi naman sila nagkailangan ni Robb sa mga ginawa nilang maseselang eksena dahil medyo sanay na sila sa mga girl-to-girl love scenes bukod pa sa matagal na silang magkaibigan.

Pagbabahagi pa ng Vivamax Queen, bukod sa mga pasabog nilang sex scenes ni Robb sa movie ay marami ring life lessons na matututunan ang manonood sa pelikula, lalo na ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ipararamdam din daw ng pelikula na walang gender ang pagmamahal, lahat ay pantay-pantay at walang dapat ikahiya. Ipakikita rin daw sa movie kung gaano ka-judgmental ang ilang tao.

Baka Bet Mo: Angeli Khang tinawag na weird version ng ‘Fifty Shades of Grey’ ang ‘Pusoy’: Super wild ang mga sex scenes dito!

“Para sa akin, don’t be ashamed, be proud of your relationship, your partner. For as long as you don’t do anything to harm other people, just do what you want,” sabi ni Angeli na proud supporter ng LGTBQ.

Sunod naming tanong sa kanya kung posible bang ma-in love o makipagrelasyon din siya sa kapwa babae, medyo natigilan si Angeli sabay sabing, “Ahhhhh, I like boys! Ha-hahahaha! But I support them (lesbians).”


Samantala, happy din si Angeli na nakapagpundar na rin siya ng ilang properties makalipas ang ilang taong pamamayagpag sa Vivamax, kabilang na riyan ang sariling sasakyan with matching driver pa.

Naalala ni Angeli yung mga panahong sumasakay siya sa motorcyle-hailing app papunta sa shooting and other events, “That was very memorable, but I am happy now na may car na ako, may pang-gas and everything. May driver na rin.”

“And if I am given a chance to ride the motorcycle, siyempre yes pa rin, masaya ang mag-motor. But I am thankful of all my blessings.

“Minsan nagugulat na lang ako, bago ako matulog, nare-realize ko, ‘Lord, thank you sa mga naabot ko ngayon. Na every day I am being blessed little by little, more by more by You and I have a happy family.

“I have a roof and I never get hungry and whatever I want, I can get it like the things and food that I am craving for. Thankful ako sa blessings,’” sey pa ni Angeli.

Read more...