Xian Gaza ‘wala’ nang dyowa, single na ulit

Xian Gaza 'wala' nang dyowa, single na ulit

KUMPIRMADONG hiwalay na ang self-proclaimed Marites na lallaki na si Xian Gaza sa kanyang Thai fiancèe na si Kumpuy.

Sa kanyang Facebook post noong Linggo, August 4, nag-upload siya ng screenshot ng kanilang pag-uusap ng isang babae kung saan inilahad niyang single na siya.

Base rin sa naturang screenshot ay isang buwan na rin pala ang nakalilipas buhat nang maghiwalay sina Xian at ang kanyang Thai fiancèe dahil July 6 pa nang mag-break ang dalawa.

Paglilinaw rin niya, wala na raw namang malisya kung makikipag-usap siya sa ibang babae.

Baka Bet Mo: Xian Gaza nakisawsaw sa isyu ni Sandro, tahimik sa break up?

“Walang malisya or anything. Ako’y nabighani lamang sa kanyang kagandahan ng siya’y aking masilayan sa Friend Requests. Inappreciate ko lang,” sey ni Xian.

Ito na nga ang kumpirmasyon ng social media personality sa kumakalat na chikang hiwalay na sila ng kanyang fiancèe.

Matatandaang last month ay umugong ang chikang hiwalay na si Xian kay Kumpuy matapos mapansin ng mga netizens ang naging Facebook post ni Kumpuy ukol sa pagiging single pati na rin ang TikTok video nito kung saan umiiyak siyang nagkukuwento sa kanyang viewers.

Naging tahimik noon ang personalidad kahit na marami na ang nagtatanong kung totoo bang wala na sila.

Wala pang isang taon buhat nang mag-propose si Xian kay Kumpuy.

February 17 nang ibandera niya sa social media ang kanyang pagpo-propose kung saan ibinahagi niyang inutang pa niya kay Boss Toyo ang kanyang engagement ring na ibinigay sa dalaga.

Read more...