2 inireklamong GMA exec inakalang ‘pa-booking’ si Sandro Muhlach

2 inireklamong GMA exec inakalang 'pa-booking' si Sandro Muhlach

Sandro Muhlach at Niño Muhlach

TRUE kaya ang kumalat na chika na inakalang “pa-booking” daw ng dalawang inireklamong GMA independent contractors ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach?

Ito raw ang isa sa mga naging paliwanag nina Jojo Nones at Richard Cruz nang kausapin sila ng mga bossing ng GMA Network tungkol sa isinampang complaint ni Sandro hinggil sa umano’y panghahalas sa kanya.

Sa YouTube vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, nabanggit nito na ang naging katwiran daw ng dalawang headwriter ng GMA sa management ay inakala nilang “pa-booking” ang anak ni Niño Muhlach kaya inimbita raw nila ito sa tinutuluyang hotel room.

Baka Bet Mo: Sylvia natatakot sa pagsosolo ni Ria sa buhay: Kasi minsan naaabuso na siya at nasasaktan ako para sa kanya

At kasunod nga nito ay ang nangyaring panghahalay kay Sandro na nagresulta sa pagkakaroon ng trauma ng binata. Dahil dito, kinailangang sumailalim ng baguhang aktor sa psychological treatment.


“Napagkamalang pa-booking ‘yung bata, na hindi naman,” ang pahayag ni Ogie.

Ang sabi pa ni Ogie, kilala raw naman ng dalawang GMA executive si Sandro kaya paano nila naisip na pa-booking ito, lalo pa’t anak nga ito ni Niño.

Baka Bet Mo: Coleen may babala sa netizens patungkol sa contractor na scammer

Pagbabahagi pa ng online host, ang kuwentong nakarating sa kanya, talaga raw pinapunta ng dalawang GMA independent contractors si Sandro sa kanilang hotel room.


At dahil walang malisya ang binata, at sinabing maraming tao sa kanilang kuwarto ay nagpunta siya pero nagulat na lamang siya na ang dalawang headwriter ang naroon.

Buti na lamang daw at kumatok ang isang staff ng hotel para mag-deliver ng wine sa kuwarto ng dalawang inireklamong executive at nakatakbo palabas si Sandro.

Sa huli, nasabi ni Mama Ogs na maparusahan ang may kasalanan at makamit ng biktima ang hustisya.

Pero kung hindi naman daw totoo ang mga akusasyon sa dalawang GMA independent contractors, sana raw ay  malinis ang kanilang pangalan.

Read more...