BUKOD sa binaha ng “blessings” ang Olympic champion na si Carlos Yulo, inulan din siya ng mga pagbati mula sa ilang kilalang celebrities at personalidad.
Sino nga ba ang hindi matutuwa sa ibinanderang karangalan ng Pinoy gymnast para sa ating bansa?
Lalo na’t siya ang ikalawang Pilipino na nagwagi ng gold medal sa buong kasaysayan ng Olympics!
Kaya heto, pinagsama-sama na ng BANDERA ang mga “congratulatory” messages na ibinandera sa social media.
Baka Bet Mo: Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kaysa sa anak
Hidilyn Diaz
Siyempre, una na riyan ang first-ever Olympic gold medalist ng ating bansa na si Hidilyn Diaz na proud na proud kay Carlos.
“Proud ako sa iyo. I-enjoy mo ang bunga ng pinagpaguran mo. At lagi mong ibabalik – sa Diyos at bayan, dahil lahat ng tagumpay natin ay hindi pansarili. Salamat sa lahat ng maganda at mabuting ginagawa at gagawin mo pa para sa Diyos at bayan!” caption niya, kalakip ang picture nilang dalawa ng gymnast.
Aniya pa, “Congratulations! Nandito lang ang Ate Haidie mo para sa iyo lagi!”
Vice Ganda
Nagpasalamat ang TV host-comedian na si Vice Ganda kay Carlos matapos magwagi sa Paris Olympics 2024.
Dahil daw sa pagkapanalo niya, bibigyan niya ito ng “free entrance” sa Vice Comedy Club sa Quezon City.
“Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men’s Floor Exercise!!!!!! Maraming salamat sa karangalang binigay mo sa Pilipinas! Pag-uwi mo dumeretso ka sa Vice Comedy Club libre ka na sa entrance may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz,” wika ng komedyante sa X (dating Twitter).
Congratulations Carlos Yulo for bagging the Gold in Men”s Floor Exercise!!!!!! Maraming salamat sa karangalang binigay mo sa Pilipinas! Pag-uwi mo dumeretso ka sa Vice Comedy Club libre ka na sa entrance may kasama pang nachos at bottomless iced tea! Chozzzz!!!!
— jose marie viceral (@vicegandako) August 3, 2024
Catriona Gray
Shinare ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang compiled videos ng bagong Olympic hero na mula sa social media page ng The Olympic games at sinabing: “Mabuhay ka Carlos!!! [Philippine flag, gold medal emojis] #Paris2024.”
Mabuhay ka Carlos!!! 🇵🇭🥇 #Paris2024 https://t.co/7GE6cxYC7S
— Catriona Gray (@catrionaelisa) August 3, 2024
Bianca Gonzalez
Tuwang-tuwa rin ang TV host na si Bianca Gonzalez: “omgggg late tweet aaah but WOWWWW CARLOS YULO!!!!!! GOLD!!!!!! #Paris2024 [Eifell tower emoji]”
omgggg late tweet aaah but WOWWWW CARLOS YULO!!!!!! GOLD!!!!!! #Paris2024
— Bianca Gonzalez (@iamsuperbianca) August 3, 2024
Jodi Sta. Maria
Gayundin ang naging reaksyon ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria.
“Waaaah! Ginto para sa Pilipinas! Congratulations at maraming salamat, Carlos Yulo,” post niya sa X.
Waaaah! Ginto para sa Pilipinas! Congratulations at maraming salamat, Carlos Yulo 🇵🇭🥇 #paris2024
— Jodi Sta.Maria (@JodiStaMaria) August 3, 2024
Samantha Bernardo
Todo papuri ang ibinandera ni Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernard para kay Carlos.
“Wow [gold] again for Philippines! Mabuhay ang mga Atletang Pilipino! [Philippine flag emoji] Thank you so much Carlos Yulo,” lahad niya sa socmed.
Wow 🥇 again for Philippines! Mabuhay ang mga Atletang Pilipino! 🇵🇭 Thank you so much Carlos Yulo! 😍 https://t.co/90X65hyuW8
— SamBer ♛ (@SamBer_Official) August 3, 2024
Miss Universe Philippines Organization (MUO)
Nakiisa sa tagumpay ang Miss Universe Philippine Organization (MUO) at gaya ng marami, ipinagbubunyi rin nila ang tagumpay na nakamit ng Pinoy gymnast champion.
Caption sa Instagram, “Miss Universe Philippines is one with the nation in celebrating our first gold medal in the Paris 2024 Olympics! Congratulations on your historic achievement in the men’s artistic gymnastics floor exercise, Carlos! You have made the Philippines proud!”
Atty. Chel Diokno
Saludo rin ang human rights advocate na si Atty.Chel Diokno: “What an incredible achievement, Caloy! Congratulations! First medal and it’s gold! [goldmedal emoji] The whole country salutes you! Mabuhay ka! [Philippine flag emoji]”
Dating Vice President Leni Robredo
Kahit ang dating vice president na si Leni Robredo, lubos ang pasasalamat sa naiuwing achievement ni Carlos.
“A historic Olympic gold for the Philippines!!! Mabuhay at maraming salamat, Caloy! [Philippine flag, gold medal emojis],” sambit niya.
A historic Olympic gold for the Philippines!!! Mabuhay at maraming salamat, Caloy! 🇵🇭🥇 https://t.co/XfUx83HC8r
— Leni Robredo (@lenirobredo) August 3, 2024
Sen. Nancy Binay
May mensahe rin si Senador Nancy Binay: “Congratulations Carlos Yulo for winning the GOLD in the men’s floor exercise and giving the Philippines its first medal in the #Paris2024”
Congratulations Carlos Yulo for winning the GOLD in the men’s floor exercise and giving the Philippines its first medal in the #Paris2024 #OlympicGames 🇵🇭 pic.twitter.com/CJuStDiltp
— Senator Nancy Binay (@SenatorBinay) August 3, 2024
Gretchen Ho
Inalala ng broadcast journalist na si Gretchen Ho ang naging performance ni Carlos noong lumaban ito sa 2020 Tokyo Olympics.
“By that time, he was already World Champion at his favorite apparatus, the Floor. He let his nerves get to him, and it felt like the biggest sporting stage in the World engulfed the 21-year-old Caloy,” sey niya.
Dagdga pa niya, “In Paris 2024, Caloy comes back to the Olympic stage, so much more mature, level-headed, and steady. It was apparent when he didn’t try to do the triple twisties in the qualifying, opting for a safer routine. Yet, he saved that for his final moment on the Floor.”
GINTO🥇 #2 ✌🏻 In his 2nd Olympic appearance, this 4 ft. 11 gymnast from Malate, Manila harvests the Philippines’ 2nd gold in history 🔥🔥🔥🇵🇭
I remember back in Tokyo, he was very much disappointed and frustrated over his performance at the Floor Exercise, where he… pic.twitter.com/iYckpH8YHH
— Gretchen Ho (@gretchenho) August 3, 2024
With his historic gold in the Olympics, Yulo is set to receive rewards amounting to millions of pesos from various government institutions and private organizations, such as a P24-million condominium unit promised by a real estate property, and, P10-million from the Philippine Sports Commission under Republic Act 10699 or the National Athletes and Coaches Benefits and Incentives Act.