Niño umapela ng dasal at suporta, hirit ng kaanak: ‘We stand with Sandro!’

Niño umapela ng dasal at suporta, hirit ng kaanak: 'We stand with Sandro!'

Nino Muhlach, Sandro Muhlach, Alyssa Muhlach

MATAPOS magsampa ng reklamo, naglabas ng panawagan ang batikang aktor na si Niño Muhlach, ang ama ng baguhang aktor na hinalay umano ng dalawang “powerful beki” na si Sandro.

Sa facebook, inamin ni Niño na kasalukuyang nagdudusa ang kanyang pamilya dahil sa ginawang pambababoy umano sa kanyang anak.

Kaya naman, umaapela siya sa publiko na ipagdasal na makuha nila ang hustisya sa nangyari.

“Our family has suffered so much because of the unspeakable and vile acts done to our son,” sey niya sa post.

Hiling niya sa madlang pipol, “We ask for your prayers to help us muster enough strength and courage to withstand the horror of re-living the dastardly acts of the perpetrators as we seek justice through our legal system.”

Mensahe pa niya, “Thank you for all your support and kind words and your gracious gift of space. We truly appreciate it.”

Baka Bet Mo: Niño Muhlach ‘nakaharap’ na ang 2 beki na nanghalay umano kay Sandro

Nagbigay naman ng suporta ang ilang kaanak ni Sandro, kabilang na ang kanyang pinsan na aktres na si Alyssa Muhlach.

Sa Instagram Stories, ni-repost ni Alyssa ang official statement ng GMA kaugnay sa complaint ng baguhang aktor.

Ang caption pa niya riyan, “United as a family. We fight against all forms of abuse.”

“I stand with my cousin [Sandro Muhlach]. #JusticeforSandro,” aniya pa.

PHOTO: Instagram Story/@alyssamuhlach

Ang post ng aktres ay ibinandera rin ng iba pang family members na sina Inna at Illa Muhlach-Alvarez.

PHOTO: Screengrab from Instagram Stories

Magugunita noong August 1, inanunsyo ng GMA sa isang pahayag sa social media na nakatanggap na sila ng formal complaint mula kay Sandro laban sa dalawang independent contractors na sina Richard Cruz at Jojo Nones.

Kinabukasan naman ay pormal na ring nagsampa ng reklamo ang Sparkle artist sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sinamahan pa nga siya ng kanyang amang si Niño Muhlach laban sa dalawang diumano’y nanghalay at nang-abuso sa kanya.

Matatandaang nitong linggo lamang nang magulantang ang showbiz world sa isang blind item na tungkol sa isang baguhang aktor na pinagsamantalahan umano ng dalawang TV executives.

Hindi rin nagtagal ay nalamang si Sandro ang tinutukoy rito matapos mapagdugtong-dugtong ng netizens ang pangyayari, pati na rin ang cryptic posts ng mga Muhlach na tila may koneksyon sa pangyayari.

Samantala, umapela sa publiko sina Richard at Jojo na sana’y respetuhin ang ginagawang imbestigasyon tungkol sa isyu dahil hindi pa naman napapatunayang totoo na hinalay nilang dalawa ang binata.

Read more...