PORMAL nang nagsampa ng reklamo ang Sparkle artist na si Sandro Muhlach sa tanggapan ng National Bureau of Investigation laban sa dalawang independent contractors ng GMA Network na sina Richard ‘Dode’ Cruz at Jojo Nones.
Ngayong araw, August 2, sinamahan siya ng kanyang amang si Niño Muhlach sa paghahain ng reklamo laban sa dalawang diumano’y nanghalay at nang-abuso sa kanya.
Matatandaang nitong linggo lamang nang magulantang ang showbiz world sa blind item tungkol sa baguhang aktor na napagsamantalahan ng dalawang TV executives na kalaunan ay napag-alamang si Sandro.
Ito ay matapos mapagdugtong-dugtong ng mga netizens ang pangyayari pati na rin ang mga cryptic posts ng mga Muhlach na tila may koneksyon sa pangyayari.
Baka Bet Mo: Sandro Muhlach nagreklamo na sa GMA, 2 katao iniimbestigahan
Noong Huwebes, August 1, nauna nang maglabas ng official statement ang GMA Network na natanggap na nila ang formal complaint na inihain ni Sandro laban kina Richard at Jojo.
“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.
“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.”
“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.
“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.
Hindi naman nabanggit sa naturang statement kung tungkol saan ang naging reklamo ngunit base sa mga naunang balita ay diumano’y hinalay ng dalawa si Sandro.
Samantala, umapela naman sa publiko ang dalawang independent contractors na sina Richard at Jojo na sana’y respetuhin ang ginagawang imbestigasyon tungkol sa isyu dahil hindi pa naman napatutunayang totoo na hinalay nilang dalawa ang binata.
“Though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.
“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado nina Nones at Cruz.