Bianca Manalo, Win Gatchalian na-hulicam, ‘nagtukaan’ sa Senado

Bianca Manalo, Win Gatchalian na-hulicam, 'nagtukaan' sa Senado

KUHANG-KUHA sa camera ang pagiging sweet at ang paghahalikan ng magdyowang sina Senator Win Gatchalian at ng kanyang girlfriend na aktres na si Bianca Manalo habang nasa Senado.

Ito ay naganap habang nagsasalita si Department of Education Sonny Angara para sa kanyang huling talumpati sa Senado kamakailan.

Sa katunayan, ipinost ng DepEd Secretary sa kanyang Instagram page ang screenshot kung saan makikita sa kanyang likuran ang paghahalikan nina Bianca at Sen. Win.

Caption ni Sec. Sonny Angara sa caption, “Madami palang na enganyo sa huling talumpati ko sa Senado — I was told I bring people together.”

Baka Bet Mo: Bianca Manalo humingi ng tulong, naiwan ang maleta sa kalsada

Makikita naman sa comment section na nag-react sa naturang post si Bianca.

Tila nahiya ang aktres dahil na-hulicam sila ng senador niyang dyowa.

“Oh my gosh,” komento ni Bianca.

Nag-react rin si Sen. Win sa naturang larawan.

“Hahaha! Bagsak kami sa good manners and right conduct Mr. Secretary. I didn’t see the camera was focused to the back,” sey ng dyowa ni Bianca.

Reply naman ni Angara, “Ayos Lang mr chairman! Madami Lang nainggit Sana all daw.”

Samantala, umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naturang halikan nina Bianca at Win.

“Di na nirespeto ung senado,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Pls lang. wag nyong gawin in public ang kahalayan nyo. Nang iinggit kayo e.”

“Wala ba talagang pinipiling lugar,” hirit naman ng isa.

Read more...