Atasha, Vico dapat kasuhan ang mga vlogger na nagpakalat ng ‘buntisan’

Atasha, Vico dapat kasuhan ang mga vlogger na nagpakalat ng 'buntisan'

DAPAT kasuhan ng cyberlibel ang mga nagpakalat ng malisyosong tsismis sa social media tungkol kina Pasig City Mayor Vico Sotto at Atasha Muhlach.

Yan ang nagkakaisang komento ng mga fans at tagasuporta nina Mayor Vico at Atasha dahil maliwanag na fake news ang ipinakakalat ng tinawag nilang mga iresponsableng vlogger.

Kumalat kasi sa socmed na nabuntis umano ng alkalde ng Pasig City ang “Eat Bulaga” Dabarkads na si Atasha. Ito’y base sa mga vlog na ginagawa ng ilang content creator na puro fake news ang ipinakakalat.

Ang masaklap dito, may mga netizens ang naniwala sa nasabing balita na wala namang basehan at talagang ginawa lamang ng mga vlogger para makakuha ng maraming views at kumita sa kanilang YouTube channel.

Pinag-usapan ito sa online show ni Ogie Diaz sa YouTube, ang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena kung saan ilang vlogs nga ang nagbalita na may relasyon ang anak ni Bossing Vic Sotto at nag-iisang anak na babae ni Aga Muhlach.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

At ang pinakamatindi pa, magiging mommy at daddy na raw sina Atasha at Vico bukod pa sa chikang niregaluhan pa raw ng mayor ng Pasig ng singsing ang dalaga at may plano na rin daw magpakasal.

Nakausap daw ni Ogie si Atasha at tinanong tungkol sa kanila ni Vico, “Kinorner ko si Atasha. Sabi ko sa kanya, ‘Ano ‘yung balita sa inyo ni Vico Sotto?’ Sagot niya, ‘Yun nga Tito, e. Nagtataka rin ako. Hindi ko alam ‘yun kasi unang-una hindi pa po kami nagkikita.”

Sina Danica at Oyo pa lang daw ang nami-meet niya sa mga anak ni Bossing Vic.

“So in other words, ‘yun pong mga pinapanood ninyo na kaagad-agad napaniwalaan ninyo, mga fake news po ‘yan. Dahil usong-uso po ‘yan sa YoTube, yung mga nag-iimbento ng mga balita… tapos wala naman silang mga sources.

“Tapos parang nagwi-wish pa sila ng bonggang-bongga sa dalawa, e wala nga silang pinagkuhaan ng balita,” ani Mama Ogs.

“Kaya wag po kayong masyadong nagpapaniwala (sa fake news). Kami rito may mga resibo kaming binabalandra otherwise nakausap ko ‘yung artista.

“Kapag galing po dito ang balita, not necessarily paniniwalaan ninyo kundi pakikinggan n’yo lang. Nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o magagalit kayo sa amin,” ayon pa sa talent manager at content creator.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng BANDERA readers sa kumalat na fake news about Atasha and Mayor Vico.

“Ang tao tlga pg gustong gumawa ng kabalbalan sa kpwa ay wlang alinlangan..plbhsa mga patpon n buhay iddadamay p ibang taong nannahimik at gumgawa ng maayos.”

“Haysss napalaki ng disiplina ni madam Coney c Mayor Vico Sotto. D totoo yan. Patay yang gumawa ng bad news na yan.”

“Lahat nlng ginagawan ng issue.. nakakahiya namn.”

“Manyapat maugong ang pangalan ni sandro Muhlach gusto nyo ipalit yung pinsan gusto atah ilihis yung isyu kaya yung nanahimik na tao ginagawan ng kwento.”

“Hindi pa nan liligaw si mayor buntis na agad..wala ako alam naging dyowa nyan..bka may nililihim.”

“Sinisira nila ang buhay nitong bata…dapat sa gumawa ng tsismis idemanda para makulong.”

“Kasuhan na yarn! Dapat turuan ng leksyon ang mga sinungaling na vlogger. Gusto lang kumita ng pera pero naninira sila ng tao. Calling Bossing and Aga!”

“Tingin ko kay atasha e parang wala pang plano magka boyfriend e.”

“May maissue lang ahh takte na yanBWAHAHAH baka buntis ung nagchismis.”

“Inferness bagay tlga cla parehong mabuting tao at mabait at very down to earth pa.”

Read more...