TULOY ang pag-ani ng tagumpay ng pelikulang “When I Met You In Tokyo” nina Star for All Seasons Vilma Santos at Ultimate Drama King Christopher de Leon.
Pumuwesto agad sa number 1 slot ang isa sa mga patok na entry sa Metro Manila Film Festival 2023 nang magsimula itong mag-stream online last July 29 sa Netflix.
Ang “When I Met You In Tokyo” ay ang pagbabalik tambalan ng OG loveteam of all time, ang Vilma-Boyet tandem. Produced ng JG Prouctions Inc., ito ay mula sa direksyon nina Rado Peru at Rommel Penesa.
Baka Bet Mo:
Ayon nga kay Vilma, masayang-masaya siya sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa pinagbidahang pelikula, nila ni Christopher, “So happy, talaga namang I’m so proud of this movie.
“Maaaring sabihin nila it’s a very simple movie, bakit ka ganyan? No eh, hindi yung kasimplehan ng pelikula namin ni Yetbo, ni Christopher de Leon.
“Ang importante rito is yung message ng movie kasi kapag nakuha mo yung message ng movie, panalo na kami. Hindi ba nandu’n yung forgiveness, hope, second chances, how important love is, family values.
“Kung panonoorin mo talaga nang matindi yung ‘When I Met You In Tokyo,’ it’s a very simple story pero nandu’n na lahat. For that I’m really proud na ngayon pinapanood ngayon sa Netflix, I ask them to watch it again hanggang sa ma-absorb mo yung meaning ng movie,” sabi ni Ate Vi.
Kinilala rin ng ng iba’t ibang award giving body ang natatanging husay ng movie icon sa pagganap kung saan itinanghal siya bilang Best Actress sa 2023 Metro Manila Film Festival, 1st Manila International Film Festival at kamakailan nga ay sa 40th Star Awards For Movies.
Pinarangalan din sa nakaraang 2024 FAMAS Awards Night ng Circle Of Excellence sina Ate Vi at Boyet para sa mahusay na performance nila sa “When I Met You In Tokyo.”