Darryl Yap bilib sa ABS-CBN: Sa kanila walang nagrereklamo

Darryl Yap bilib sa ABS-CBN: Sa kanila walang nagrereklamo

MAGING ang direktor na si Darryl Yap ay nagbigay na rin ng komento hinggil sa usap-usapang sekswal na pang-aabuso ng independent contractors ng GMA Network sa aktor na si Sandro Muhlach.

Sa kanyang Facebook post ay ikinumpara ng direktor ang Kapuso network sa dati nitong kamumpitensya, ang ABS-CBN.

“grabe yung balitang may nangrape na GMA executives sa artista mismo nila. dito ako bilib sa ABSCBN… sa kanila, walang nagrereklamo,” saad ni Darryl.

Humirit pa nga ng patama ang direktor sa comment section.

Baka Bet Mo: Darryl Yap: Hindi ko alam kung anong nakain ni Vice para gumanyan!?

Sagot naman ni Darryl, “Yan din yung mga ipinapasa sa akin ang pagiging PEDO nila… kapag tinopak ako iTag ko mga minagic nyo eh.”

Hindi naman kataka-taka na agad umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naturang post ng direktor sa social media.

Comment ng isa sa post ni Darryl, “Yan nga lagi low Budget Ang kabila station, makikita nman kahit sa mga plabas nila. Kapuso emedora!”

“Very True ito hahaha. kaya puro kahalayan ang mga palabas sa kanila eh, ginagawa nila i-normalize sa tao yung mga ganuong bagay,” sey naman ng isa.

“Nako direk Darryl Yap sa mga talents palang ginagawa na yan kaya madaming talents ang tumitigil at ayaw na tuparin pangarap nila dahil sa ganyan eh,” saad ng isang netizen.

May ilan ring nag-call out sa direktor kaugnay sa isyu nito noong grooming at pagiging pedophile.

Hindi raw kasi matiis ng iba na nagsasalita ito sa isyu gayong meron rin siyang isyu.

“lalo na po yung mga GROOMER at PEDO,” pasaring ng isa kay Darryl.

Dagdag pa ng isa, “Oo nga Lalo na ung mga PEDO! Kahiya Naman.”

Matatandaang mainit na pinag-uusapan sa social media ang blond item patungkol sa naguhang aktor na pinagsamantalahan umano ng dalawang TV executives.

Matapos nito ay lumabas ang pangalan ni Sandro Muhlach na biktima ng pang-aabuso matapos to-connect ng netizens ang kanyang Instagram stories sa blind item.

Kasunod nito ay ang cryptic post ng mga magulang ng binata na siyang naging kumpirmasyon na si Sandro nga ang tinutukoy sa blind item.

Base sa latest chika, nagsampa na ng pormal na reklamo si Sandro sa GMA Network para imbestigahan ang ginawa sa kanya nina Jojo Nones at Richard Cruz.

Read more...