Vin, Sophie magkaka-baby ulit: ‘From 3 to a family of 4!’

Vin, Sophie magkaka-baby ulit: ‘From 3 to a family of 4!’

PHOTO: Instagram/@itssophiealbert

IPINAGBUBUNTIS ni Sophie Albert ang second baby nila ng mister na si Vin Abrenica.

Ang good news ay ibinandera mismo ng mag-asawa sa kanilang Instagram pages, kalakip ang ilang family picture at habang fine-flex ni Sophie ang kanyang baby bump.

“From three to four, our family is growing more!” caption sa isang joint post.

Aniya pa, The secret’s out and we’re over the moon.”

Sa comment section, tuwang-tuwa ang ilang kapwa-artista at marami ang nagpaabot ng “congratulatory” messages para sa celebrity couple. 

Kabilang na riyan sina Joyce Ching, Jo Berry, Jason Abalos, Shaira Diaz, Carla Abellana, Rocco Nacino, Pancho Magno, Yasmien Kurdi, Rodjun Cruz, Luis Hontiveros, at Iya Villania.

 “OMG! Congratulations!! [heart hands emojis],” caption ni Ching.

Komento ni Carla, “Congratulations, Bianca!!! [red heart emoji]”

Saad naman ni Jo, “Sophieeee! [smiling face with heart eyes emoji] Congratulations! [hug emoji]”

Lahad ni Rocco, “Congrats vin and bianca!!!” 

Ani naman ni Iya, “Congraaaats you guys [red heart emojis]”

Kung matatandaan, taong 2023 nang dalawang beses ikinasal sina Vin at Sophie sa pamamagitan ng church ceremony at garden ceremony.

 Taong 2021 naman nang biniyayaan sila ng panganay na anak na si Avianna Celeste.

Magugunita rin na una silang nagkakilala sa sinalihan nilang talent show na “Artista Academy” noong 2012.

Makalipas ang isang taon ay nagsimula na silang mag-date.

Taong 2016 naman nang maghiwalay sila, pero ilang buwan lamang ay nagkabalikan din.

Read more...