Vice Ganda matapang na ginaya on air ang sermon ni Willie

Vice Ganda matapang na ginaya on air ang sermon ni Willie
TAWANG-TAWA ang mga netizens sa ginawang panggagaya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa TV host-comedian na si Willie Revillame.

Sa nagdaang episode ng “EXpecially For You” nitong Martes, July 30, habang kinakausap ng “It’s Showtime” host ang searchee ay bigla niyang naisingit ang ginawang panenermon ng “Wil To Win” host na si Willie Revillame on air sa kanyang co-hosts at production staff ng kanyang show.
Matatandaang nag-viral si Willie sa social media dahil sa panay na pagsita nito sa kanyang mga kasamahan on air.

Baka Bet Mo: Vice Ganda sa guest na may alopecia: May nagmamahal sa ‘yo

Sa naturang episode ay nag-uusap si Vice at lalaking searchee tungkol sa magdaan nilang pag-ibig ng ex pagkatapos ay naipasok niya ang viral panenermon ni Willie.

“At hindi lang ‘yan, meron pa kaming sorpresa para sa ‘yo. Matapos ang panayam na ito, tatanggap ka ng 10,000 pesos!” sey ng komedyante.

Pagkatapos ay nilingon niyo ang co-host na si Jhong at sinabing, “Huwag mong sasabihing pesos, cash ang sabihin mo.”

Sakay ni Jhong kay Vice, “10,000 cash!”

Hindi pa dito natatapos dahil humirit pa ito tungkol sa pagdaan umano ng staff sa harap ng kamera.

“Dina-dry run kayo rito… Dumbo, dadaan ka pa sa camera ha?” hirit pa ni Vice.

Marami sa mga netizens ang hindi natuwa sa ginawa ni Willie dahil tila napapahiya amg mga ito sa manonood. Maaari naman silang pagsabihan sa backstage para itama ito.

Samantala, wala pa namang pahayag si Willie sa ginawa ni Vice patungkol sa pangyayari.

Read more...