Ogie Diaz sa pananamantala sa baguhang aktor: Parang Xerex

Ogie Diaz sa pananamantala sa baguhang aktor: Parang Xerex

TRENDING ngayon ang cryptic post ng tapent manager na si Ogie Diaz kaugnay sa viral sexual assault ng umano’y dalawang executives mula sa isang TV network sa baguhang aktor.

Base sa ibinahaging Instagram story ng talent manager, inilarawan nito ang nakakalungkot at nakaka-traumang karanasan ng baguhan aktor.

Inihalintulad pa nga ni Ogie ang pangyayari sa mga kuwentong nababasa noon sa silat na sex column ng isang pahayagan.

“Juice ko, yung ginawa sa biktima, parang nagbabasa ka lang ng Xerex sa Abante nu’ng araw kung ilalarawan mo. Try to imagine.

Baka Bet Mo: Ogie Diaz inimbestigahan ang viral video ni Mark Anthony: ‘Di ko siya in-enjoy!

“Basta ang premise, hindi gusto ng biktima ang ginagawa sa kanya kahit nakikiusap siya na ‘wag please, hinahanap na po ako ng girlfriend ko.’ Traumatized,” lahad ni Ogie.

Lubos ngang nakaapekto sa mental health ng baguhang aktor ang nangyari.

“Ang ending: may depression, panic attack, anxiety, ptsd ang biktima. Kaya madalas mag-breakdown,” dagdag pa ni Ogie/

Usap-usapan rin ang viral cryptic pist ni Niño Muhlach sa Facebook na ipinapalagay ng marami na may kaugnayan sa isyu.

“INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!” saad ni Niño.

Bagamat wala pang malinaw na pahayag kung magkaugnay ba ang pahayag ni Ogie sa post ni Niño, marami ba ang naglalabasang ang baguhang aktor na tinutukoy sa mga blind item ay si Sandro Muhlach.

Naglabas na rin naman ng pahayag ang GMA Network patungkol sa isyu.

“Online articles and posts have recently circulated regarding an alleged incident involving an artist and independent contractors of GMA Network.

“We have yet to receive a formal complaint from those allegedly involved in the issue. Should one be filed, the Network is committed to conducting a thorough and impartial investigation. We assure the public that GMA Network takes such matters with utmost seriousness.”

Read more...