Bakit R-16 ang ibinigay ng MTRCB sa ‘Deadpool & Wolverine’?

Bakit R-16 ang ibinigay ng MTRCB sa 'Deadpool & Wolverine'?

Photo from Instagram

ANG mga aktor at board members ng MTRCB na sina Bobby Andrews, Jose Alberto V at Johnny Revilla ang nag-review ng pelikulang “Deadpool & Wolverine” na pinagbibidahan nina Ryan Reynolds at Hugh Jackman.

At dahil sa mga eksenang hindi akma sa mga manonood na edad 15 pababa, tulad ng matinding karahasan, madudugong eksena at ilang mga mapaminsalang imahe, kahit pa comedy ito ay binigyan ng R-16 rating.

Habang nakapila kami sa ticketbooth ay binasa na namin ang nakasulat na nakadikit sa may takilyera at doon nga namin nabasa kung sino ang mga nag-review kasi nga nagtataka kami kung bakit R-16 ang ibinigay.

Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria tinamaan ng COVID kaya hindi nakarating sa party ni Mr. M

At nang mapanood namin ang “Deadpool & Wolverine” ay sang-ayon din kami na hindi ito puwedeng bigyan ng G, PG at R-13 dahil sa rami ng karahasan kahit pa comedy ito.

Isa pang nakaranas ng R-16 rating ay ang pelikulang “All My Friends Are Dead” nina Jade Pettyjohn, Jojo Siwa, Ali Fumiko, Justin Derickson at iba pa mula sa Pioneer Films.

Kasama ulit si board member Bobby Andrews sa nag-review kasama ang bagong miyembro ng ahensiya na si  Almira Muhlach at TV executive JoAnn Bañaga.

Ang pelikula naman mula sa Pinoyflix Films and Entertainment Production, Inc., na pinagbibidahan nina Alexa Ocampo, Jeffrey Santos, Rash Flores at Lara Morena ay R-16 din.

Sina MTRCB board members Joan Bañaga, Bobby Andrews at Eloisa Matias naman ang nag-review sa naabing pelikula.

Anyway, muling pinaalalahanan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na ang R-16 classification ay maaaring may mga maseselang pananaw sa tema, eksena, lengguwahe, karahasan, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa edad 15, pababa.

Read more...