Xian Gaza, Thai fiancée hiwalay na, anyare?

Xian Gaza, Thai fiancée hiwalay na, anyare?

USAP-USAPAN ngayon sa mundo ng social media ang diumano’y paghihiwalay ng social media personality na si Xian Gaza sa kanyang Thai fiancée na Kumpuy.

Ang chikang ito ay kumalat matapos mag-post ng dalaga ng kanyang larawan sa Facebook kung saan tila nagpapahaging ito na single na siya.

“Through hot, through cold, through sadness, through happiness.

Is this really what she wants?” caption ng diumano’y ex-fiancée ni Xian.

Bukod pa rito? Mayroon rin siyang cryptic post na tila patungkol sa kanyang relasyon.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sa BINI: Kung gusto n’yo ng privacy, huwag tumambay sa labas!

“This is my official time. ‘I love him until I can not love him anymore’. I do my best in all situations. Love You DarkCat,” sey ni Kumpuy.

Tila si Xian rin ang tinutukoy niya sa komento nitong “He is single before me already but now just my time to be single too.”

May mga kumakalat ring video clips mula sa live ni Kumpuy kung saan makikitang umiiyak ito.

May mga screenshots rin na may English translation kung saan tila ikinukuwento ni Kumpuy ang patungkol sa nangyari sax kanilang relasyon ni Xian.

Ilan sa mga pahayag na makikita sa screenshot mula sa translation ng sinabi ni Kumpuy ay “The person who used to love me and doesn’t love me anymore has blessed me enough to be like this. Before I was a machine, I tried to do my best.”

Samantala, wala pa namang inilalabas na kumpirmasyon si Xian hinggil sa kumakalat na chika tungkol sa kanila ng fiancée.

Matatandaang nitong February 2024 lamang nang ibandera ng social media personality sa publiko ang kanyang proposal kay Kumpuy habang sila ay nasa Singapore.

Chika pa niya, hiniram niya pa kay Boss Toyo ang perang ipinambili niya ng engagement ring.

Read more...