Sigaw ng SB19 fans, Stell at Pablo walang relasyon: Stop na yang ship-ship!

Sigaw ng SB19 fans, Stell at Pablo walang relasyon: Stop na yang ship-ship!

NAG-REACT ang supporters ng SB19 sa tsika ni Robby Tarroza sa vlog ni Romel Chika na inakala niyang may relasyon daw ang dalawang miyembro nitong sina Stell at Pablo.

Kitang-kita namang nagulat si Romel Chika sa sinabi ni Robby dahil ang alam niya ay puro straight guys ang mga miyembro ng SB19 na sina Stell, Felip, Justin, Josh at Pablo.

“Ay hindi ba sila (Stell at Pablo)?” balik-tanong ni Robby.

Nakuha nga raw ni Robby ang tsika sa showbiz friends niya na kilala sina Stell at Pablo.

“Showbiz friends that know them. They were telling me that pero siyempre we don’t know if like 100% accurate, for me ha, I think they made a good couple kaya dapat hindi magalit sa akin si Pablo, I don’t have the intention to make relationship with Stell,” diing sabi ni Robby.

Baka Bet Mo: Robby Tarroza type si SB19 Stell; naging dyowa ang anak ng ‘King’

Nabanggit pa na tila tinaasan siya ng kilay ni Pablo nang makita siyang nakaupo sa VIP section nang manood ng concert ni Dingdong Avanzado kamakailan.

“Pero baka ganu’n lang talaga his face or expression (minuwestra kung paano siya tinaasan ng kilay), bata pa ‘yun hindi pa nagpa-botox so nakapagtaas siya ng kilay.

“I don’t know kung kilala niya ako or baka kasi (nakatingin) nandoon ang parents  niya (sa harapan ni Robby nakaupo). Isip ko baka nabasa niya ‘yung tsismis ng fans na I’m taking Stell away from him, I mean kung sila, huh?” kuwento ni Robby.

At dahil sa panayam na ito ni Robby ay kanya-kanyang reaskyon ang supporters ng SB19, pero tinanggap nilang positibo ang kuwento ng dating matinee idol.

Payo ni @chinllanos6392, “’Wag tayo masyado mag react mga ka-A’tin. remember we’re watching chikahan and I don’t believe this personality is an A’TIN so, of course, there are things he doesn’t know yet. things will turn out the way it should be. we should just be glad that people in their era also heard and acknowledge new talents in our country.”

Sang-ayon naman si @bhe0559, “Yes checka was only for public appearance ‘Yan ok Lang Yan po SB19 is always better a good man.”

Opinyon ni @Kuuipo8888, “Yeah minsan kasalanan din ng fans eh. Shiship nila mga boys with each other kaya nagpapagkamalan sila.”

At pinuri rin bilang producer sina Robby at Joed Serrano, “Sana nga iproduce sila dito sa US. I watched the F4 concert and magaling sila magproduce.”

Ang nakakatuwa ay winelkam pa si Robby bilang fan ng SB19 ni @mariavictoriaandagan3733, “Kaps educate nlang natin no nid na i-bash kasi as we can see hearsay lang nman ‘yun alam ni Ms Robby I’m sure pag nakilala nia ang mahalima bka isa din sya sa mag mamahal sa mahalima. Ngaun plang welcome po sa fandom.”

Sang-ayon din si @abigail7568, “True! Nag-uusap sila and very careful sila about sa mga sinasabi nila. They don’t mean to offend.”

Reaksyon ni @chinllanos6392, “Tsaka hello, ship ship, gawa gawa ng mga clips tapos pag may naniwalang casuals, magagalit. Sus, A’TIN. Yan matagal ko ng kinokontra e, yang ship ship na yan na taga loob lang naman ng fandom nakakagets na kalokohan lang, pero pano ‘yung casuals diba?”

Sapantaha ni @AnnGee-hs6ef, “Gets ko s’ya why he thought na may something more special sa PabStell.  He even said ‘sila nga and and nagsselos ‘ung isa’ parang eto ung sa pagtatag finale concert na ang dami ring edits sa tiktok! As fan na sanay na at kabisado na ang shipping culture at pati na rin personality ng mga boys, well we understand whats really happening, pero if casual ka, paano mo nga naman iinterpret un, shempre iisipin mo kung ano nakkita mo yun na yun! Sa isang banda naman, nakakatuwa lang na nakikilala na ang esbi boys dahil sa talent nila!”

Pahayag ni @SiriusStell1516, “Pablo and Stell are not real couples, it’s only ‘shipping’ inside a fandom, don’t take it seriously.”

Kaya waiting na rin ang ibang supporters sa sinabi ni Robby na i-produce niya ng show ang SB19, @krenzrodriguez3858, “Noted. Recorded. Will wait sa promise na i-produce ang sb19. We truly wanted a lot more casuals and internationals to kbow them and listen to their songs.”

Nakakatuwa ang fans ng SB19, mga edukado at hindi mga barbaric, tinanggap nila ang tsika in a positive way. Kaya ang suwerte ng grupo na maayos ang mga supporters nila.

Read more...