HINANGAAN at pinusuan ng mga netizens ang ginagawang aksyon ni Heart Evangelista para sa mga alagang hayop na naapektuhan din ng bagyong Carina.
Nakakaawa at nakakabagabag ng damdamin ang nakita naming mga litrato at video ng mga hayop sa social media na na-stranded at nagpalanguy-langoy sa baha noong kasagsagan ng paghagupit ng super typhoon sa Metro Manila.
Bukod sa libu-libong residente mula sa iba’t ibang bahagi ng National Capital Region o NCR ang naapektuhan ng bagyong Carina kundi pati na rin ang mga alagang hayop.
Ito ang dahilan kung bakit nagtungo ang Senate Spouses Foundation (SSF) sa Philippine Animal Welfare Society (PAWS), sa pangunguna ni Heart, kasama si Kathryna Pimentel, ang asawa ni Sen. Koko Pimentel.
Baka Bet Mo: 4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho
Panawagan ng wifey ni Sen. Chiz Escudero sa mga generous nating mga kababayan, sana’y magbahagi ang mga ito para matulungan ang mga furbabies at pet owners sa panahong ito.
“No one should be left behind and that means humans and pets alike in times of calamities.
“The SSFI has been blessed with partners who are also looking after the welfare of animals, sending dog and cat food for the furbabies left homeless by the typhoon,” ang pahayag ni Heart sa kanyang Instagram post.
Aniya pa, “What better way to reach out to as many abandoned pets as possible than through and with PAWS Philippines.
Baka Bet Mo: Carla Abellana galit na galit sa pagkamatay ng tuta na inihagis sa footbridge; gwardiya kakasuhan ng PAWS
“They have always been part of the National Disaster Risk Reduction Management Council, rescuing animals left behind in times of calamities.
“Today we did a quick pop in at PAWS to drop off some supplies for the resident dogs and the rescued ones.
“We were toured around and were able to listen to the happy and sad stories of the pets in their care.
“SSFI is one with PAWS in calling against animal cruelty,” ang mensahe pa ng Kapuso actress.
Dugtong pang paalala ni Heart, “Please spread the word, PAWS is still in need of your generosity for the furbabies and pet owners left homeless by the storm.”