Bela Padilla nagpasaring kay Cat Arambulo: Come on!

Bela Padilla nagpasaring kay Cat Arambulo: Come on!

TILA nagpahaging ang aktres at direktor na si Bela Padilla laban sa social media influencer na si Cat Arambulo-Antonio.

Matatandaang nag-viral ang video ni Cat kung saan nag-uusap sila ng mga anak sa loon ng sasakyan habang binabaybay ang bahang kalsada sa Maynila dahil sa hagupit ng habagat at bagyong Carina.

Maririnig sa video na unang beses pa lang daw nilang mararanasang dumaan sa bahang kalsada at ang kasunod na nasambit ang tila nagpainit sa ulo ni Bela.

“First time for the kids to experience baha here in Manila,” saad ni Cat.

Baka Bet Mo: Bela pasok na rin sa ‘Pamilya Sagrado’, ka-loveteam din si Piolo?

Maririnig ang anak ni Cat na nagsasabing maaari silang kumuha ng floatie at mag-swim sa baha.

Sagot ni Cat, “Safe ba mag-floatie dyan? Baka strict… I guess so, it’s just water. We try? We should wakeboard.”

Agad ngang umani ng batikos mula sa madlang pipol ang naturang video at maging si Bela ay hindi na napigilang maglabas ng saloobin tungkol sa usapan ng pamilya.

Naging insensitive kasi ang mga ito matapos isipin na “fun experience” ang maglaro sa baha.

Nag-post nga sa Instagram story si Bela upang ihayag ang nararamdaman sa viral video.

“You see people risking their lives for their loved ones and your question is if you and your kids can use a floatie here? Come on.

“Could’ve been a nice teaching for you kids but ‍” matapang na pahayag ni Bela.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag o reaksyon ang social media personality tungkol rito.

Wala ring sinasabi si Bela na pagkukumpirma kung si Cat nga ba talaga ang kanyang tinutukoy sa IG story.

Read more...