BUKOD kay Gerald Anderson, isa pang celebrity na talagang naglaan ng panahon para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina ay si Ronnie Liang.
Bilang isang military reservist, join din si Ronnie sa isinasagawang search and rescue operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga binahang lugar sa National Capital Region (NCR) dulot ng bagyong Carina.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinahagi ng OPM artist at aktor ang ilang kaganapan sa isinagawa nilang rescue mission sa ilang lugar sa Quezon City, kabilang na ang Barangay Roxas.
Baka Bet Mo: Ronnie Liang may bonggang pa-tribute para sa mga sundalo: Tao rin sila, they also cry, they miss their families…
Nakasama ng binata ang iba pang Philippine Army reservists sa pag-iikot sa mga naturang lugar na lagpas-tao ang tubig-baha kung saan marami sa mga kababayan natin ang na-trap sa bubungan ng kanilang mga tahanan.
Sabi ni Ronnie sa caption na inilagay niya sa kanyang Facebook post kung saan makikitang nakasakay sila sa isang motorized boat, ginagawa lamang nila ang kanilang sinumpaang pangako bilang Army reservist.
“Answering the call of duty as a reservist of the Philippine Army, together with 1302 Ready Reserve Battalion.
“Rescuing the typhoon #CarinaPH victims here at Barangay Roxas, Quezon City,” pahayag ng singer-actor.
Sa isa namang video na ipinost niya sa social media ang nakasaad na caption ay, “Joining the rescue operations for the victims of the flood caused by Typhoon Carina at Barangay Roxas, Quezon City.
“Reporting for duty as a reservist of the Philippine Army together with the other troops of the 1302 Ready Reserve Battalion, Reserve Command, Philippine Army.”
Baka Bet Mo: Arci proud ARMY; lumipad pa-Korea makanuod lang ng concert at pumila ng 5 oras para sa BTS merch
Umani naman ng positibong reaksyon mula sa netizens ang ginawang pagtulong ni Ronnie sa ating mga kababayan.
“Good morning sir Ronnie your doing well your services to your
Kababayabn good job sir, willingness helping affected in. Some other areas in metro Manila is a great effort like you
Good deeds can never be forgotten, even how long had been.Already passed, we salute you all sir and ma’am’s, were all proud of you, God bless and stay safe always.”
“Ohhhhh have mercy Lord, gabayan nyo posilang may pusong mapag mahal sa kapwa. good job Cap. Ronnie Liang. God loves you brave n humble people. take care always. Thank you Lord.”
“Great job sir Ronnie and all rescue team to help those people who affected of flood. Take care always.”
“Good morning stay safe. i salute you all. to serving our country. mabuhay kayong lahat at lagi kayong gabayan ng ating DIOS.”
“Thank you for such a heroic job a helping hand for our people in Need. The Lord Will Bless you mOre Abundantly! Take Care our dear Soldiers! Keep it up!Appreciate you!”
“Feel so sad to see them on the roof. good job sir ronnie and company to save those people affected of flood… Big salute to you guys and stay safe… hope and pray everything will be gonna be ok. thank you ang God bless.”