Gerald tuloy ang paglangoy sa baha para ma-rescue mga biktima ni Carina

Gerald tuloy ang paglangoy sa baha para ma-rescue mga biktima ni Carina

Gerald Anderson

TULOY-TULOY ang ginagawang pagtulong at pakikiisa ni Gerald Anderson sa search and rescue operation para sa mga nasalanta ng baha sa Quezon City.

Bukod sa pamilya sa Barangay Sto. Domingo, kabilang na ang isang bata, na na-trap sa loob ng kanilang bahay na lumubog sa baha, marami pang natulungang mga residente doon si Gerald.

Isang video ang napanood namin sa Facebook na in-upload ng isang nagngangalang Natalie Formas, kung saan makikitang lumalangoy sa mataas na tubig-baha si Gerald.

Baka Bet Mo: Aiko naglabas ng ebidensya laban sa mga kontrabida sa politika: Kayo na po ang humusga

Kasama ang iba pa niyang mga kagrupo na nagsasagawa ng search and rescue mission sa mga binahang lugar sa Bgy. Sto. Domingo, isa-isang inakyat nina Gerald ang bubong ng mga kabahayan doon para mai-transfer ang mga stranded na residente sa mga evacuation center.


Kitang-kita sa video ang pagkuha ni Gerald sa mga kagamitan ng mga residenteng sumilong sa mga bubungan matapos pasukin ng baha ang kanilang mga kabahayan.

May dala-dalang pumpboat sina Gerald kung saan nila inilalagay ang mga naisalbang kagamitan ng mga nabiktima ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Carina na sinabayan pa ng habagat.

Nauna rito, nag-viral din ang video ng boyfriend ni Julia Barretto matapos saklolohan ang isang pamilya na na-trap sa loob ng kanilang bahay na pinasok din ng baha.

Makikita ang aktor na lumusong sa hanggang dibdib na baha para makapasok sa isang bahay na lubog na sa tubig

Inayos muna nito ang ilang gamit sa bahay na lumubog na rin sa tubig saka kinuha at kinarga ang isang bata para i-rescue ito at ang iba pang na-trap doon.

Baka Bet Mo: Kuya Kim ibinandera ang 35 dogs, karamihan mga rescued na aspin: The joy they give makes everything worth it!

Ayon kay Rachelle Joy Cabayao, ang nag-upload ng video sa social media, ang kanyang kapatid ang nagpadala sa kanya ng naturang footage.


Aniya, halos tatlong oras na raw naghihintay ng tulong ang kanilang pamilya sa nasabing lugar hanggang sa dumating na nga ang grupo nina Gerald para magbigay ng assistance.

“Mga 11 a.m., nag-ask na sila sa barangay. Kaso, hindi nila ma-contact, then tumawag ulit sila. Wala pa daw available na boat. Mga 1:30 p.m., si Gerald nag-rescue sa kanila,” ang pahayag ni Cabayao sa ulat ng ABS-CBN.

Ayon pa sa report, may pag-aaring basketball court daw ang Kapamilya actor sa naturang barangay.

Ilang oras pa lamang ang nakararaan, ay nagdeklara na ang Metro Manila Council na isailalim na sa state of calamity ang buong National Capital Region dahil sa tindi ng epekto ng Bagyong Carina.

Read more...