SIR CHIEF inuuto ang mga fans, ‘PATAY-GUTOM’ sa mga regalo?


TILA si Richard Yap a.k.a Sir Chief ang tinutukoy sa isang blind item about a popular personality na naging materialistic na.
All leads point to Richard, like his having a close relative as his assistant.

We all know naman na si Papa Richard ay palaging kasama ang kanyang misis. According to the blind item, nagiging materialistic na raw itong si Papa Richard to the point na he’s dropping hints kung ano ang gusto niyang gadget sa kanyang Twitter account.

Aware raw kasi ang actor na marami siyang rich fans na puwedeng magbigay sa kanya ng anumang wini-wish niya.
True enough, kapag may mga events daw ang actor ay marami siyang nare-receive na regalo, mostly ‘yung gadgets na gustung-gusto niya.

Meron pang additional kuwento na naging mapili na rin si Sir Chief sa kanyang adoring fans. Tama ba ang nasulat na nagpapakuha lang siya ng litrato at pumipirma sa autograph sessions kapag may regalo ang fans sa kanya?

Having met Sir Chief a couple of times ay parang hindi kami makapaniwala na capable siyang gawin ‘yon. He’s way TOO DECENT to do that.

To begin with, hindi naman PATAY-GUTOM si Papa Richard. May kaya naman siya sa buhay at sa kanyang kinikita ay carry niya ang bumili ng anumang gadget na kanyang gusting bilhin.

Me naninira lang siguro kay Papa Richard. Hindi si-guro nila ma-take ang kanyang success. Meanwhile, napanood namin ang pre-nup MTV nila ni Jodi Sta. Maria para sa kanilang TV series.

Talagang malakas ang dating nila as a couple. Kaya sa naninira kay Papa Richard, mamatay kayo sa inggit!

( Photo credit to Google )

Read more...