Transwoman na tinawag na ‘SIR’ boldyak kay Osang, itsura inokray

Transwoman na tinawag na 'SIR' boldyak kay Osang, itsura inokray

MIYEMBRO ng LGBTQIA+ community ang aktres na si Rosanna Roces o si Osang kaya nag-react siya sa ginawa ni Jude Bacalso, ang Cebu-based lifestyle writer na trending ngayon sa social media.

Naging talk of the town si Jude nang mag-viral ang ginawa niya sa waiter sa isang restaurant na tinawag siyang “Sir” bagay na hindi niya nagustuhan dahil mukha naman siyang babae.

Dahil dito ay pinangaralan ang waiter na umabot sa dalawang oras base sa netizen na nag-upload ng larawan ng dalawa sa Facebook.

Baka Bet Mo: Jude Bacalso ayaw patawarin ng netizens: Dinamay pa sangkabaklaan!

 

Nag-post si Osang sa kanyang FB account kaninang umaga, “Ang madilim na katotohanan ay gusto mo tanggapin ka ng mga nakapaligid sa ‘yo na Babae ka….. eh, hindi mo nga matanggap sa sarili mo na panget na Lalake ka ungas!!”

Maraming nag-react sa post na ito ng aktres at ang ilan sa kanila ay mga showbiz personalities.

Nagpadala kami ng mensahe kay Osang at sabi namin ay “ang harsh” niya sa kanyang post. Ang sagot niya sa amin, “Salbahe siya, eh.”

Gets namin ang iritableng reaksyon na ito ni Osang dahil ayaw na ayaw niya talagang may nilu-look down lalo na kapag hindi pantay ang estado sa buhay.

Nakahanap naman ng suporta si Jude mula sa direktor na si Chris Cahilig. Post niya sa FB, “Kabastusan ang pagtawag ng ‘sir’ sa isang nagbibihis babae. Walang mawawala sa ‘yo kung kikilalanin mo ang kanyang gender identity.”

Nagkomento sa post ni Chris ang vlogger na si Jeman Bunyi Villanueva, “But there are better and nicer ways to educate someone about misgendering. Lalo na kung hindi naman sinadya or ginamit pang insulto ang pag tawag ng ma’am or sir.”

Say naman ni Chris, “Jeman Bunyi Villanueva, yes, agree. But it starts with the act of misgendering.”

Sagot ni Jeman, “Chris Cahilig, agree naman ako about respecting someone’s preferred gender. Kung gusto niya na ma’am itawag sa kanya, I have no problem with that naman, kahit hindi pa siya naka damit pambabae or naka makeup.”

Nakisali na rin ang singer-actress na si Marissa Sanchez, “Pero Direk mali nmn na patayuin mo ng dalawang oras ung waiter Drek knowing ur heart u won’t go that far.”

Paniniwala naman ni Chris, “Marissa Sanchez Giorla apparently fake news. At impossible na scenario.”

Biro ni Marissa, “Chris Cahilig Fake din na babae sya Drek eh. Anyway knya-knya tlgang opinion tyong lht Drek.”

Marami pa kaming nabasa sa thread na talagang hati ang paniniwala ng mga netizens sa isyu ni Jude.

Read more...