BUKOD sa “no-show,” hindi rin daw panonoorin ni Vice President Sara Duterte ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
“The Vice President will not watch the SONA on TV or gadgets,” sey sa inilabas na pahayag ng Office of the Vice President (OVP) ngayong araw, July 22.
Si VP Sara daw ay kasalukuyang nasa Bohol upang makiramay sa pagpanaw ni Vice Governor Dionisio Victor Balite noong Miyerkules, July 17.
“She is currently in Bohol to empathize with the Boholanos for the death of their Vice Governor, as well as to uplift the general mood of the people brought about by the suspension of their duly-elected local officials,” lahad sa statement.
Dagdag pa, “It is also Bohol Day today, which makes it an opportune time for the Vice President to bring a message of hope — na may Diyos na nagbabantay sa atin, at sa pamamagitan ng pagtutulungan at pagsisikap, magagawa nating ayusin ang Bayan muli.”
Baka Bet Mo: PBBM sa tangkang ‘assassination’ kay Donald Trump: ‘We condemn violence’
Magugunitang nauna nang ibinalita ng bise presidente na hindi siya pupunta sa SONA 2024 na mangyayari sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
“No, I will not attend the Sona,” sey niya sa isang ambush interview sa Davao City.
Doon niya rin sinabi na itinatalaga niya ang kanyang sarili bilang “designated survivor.”
Para sa kaalaman ng marami, ang designated survivor ay isang government official sa United States na piniling manatili sa isang secure na lokasyon sa tuwing may mga pagtitipon ang ilang top leaders.
Isa itong posisyon na sinisiguradong magpapatuloy ang gobyerno sakaling mamatay o may mangyaring masama sa presidente, bise presidente, at iba pang matataas na opisyal.
Sa Pilipinas, wala pang ganitong klaseng posisyon, pero naghain si dating Senador Panfilo Lacson ng panukalang batas noong 2019 na nagpapahintulot sa pangulo na pangalanan ang itatalagang “survivor.”