Mavy todo-flex sa bagong ‘luxury’ car: ‘Kasing gwapo ng owner!’

Mavy todo-flex sa bagong ‘luxury’ car: 'Kasing gwapo ng owner!'

PHOTO: Instagram/@mavulegaspi

MARAMING fans at kapwa-celebrities ang napa-wow sa latest social media post ng aktor na si Mavy Legaspi.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Mavy ang bagong investment niya na isang isang BMW 3 Series na sports car.

Base sa kanyang post, pangarap lang niya ito dati na natupad na ngayon.

“It all starts with a dream,” caption niya sa IG.

Baka Bet Mo: Liza Soberano spotted na nagda-drive ng luxury car worth P8.5 million

Ilan lamang sa mga natuwa sa pagbili ng luxury car ni Mavy ay ang mga artista na sina Aiko Melendez, Tim Yap, Dominic Ochoa, Kaye Abad, David Guison, Nocco Racino at EA Guzman.

“So happy for you, inaanak. You deserve it. Mabait kang bata kaya blessed ka,” sey ni Aiko.

Komento ni Tim, “Congratulations Mavs!!!”

Napa-wow naman sina Kaye at David, habang puro fire emojis ang inilagay ni EA sa comment section.

Maraming fans at netizens din ang bumilib at tila napa-sana all.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Grabe naman ‘yan @mavylegaspi so pogi like you [blue heart emoji]… Ang mahal naman ‘yan haist sana all nalang [fire emojis]”

“Wow astig ng car ingat ka lagi Mavy [blue heart, clapping hands emojis]”

“Nice car Mavy…bagay sa kagwapuhan mo ‘yan [smiling face with heart eyes emoji]”

“Wow grabe naman ‘yan [shocked face emojis] pati car pogi!”

Kung matatandaan, ang kauna-unahang luxury car ni Mavy ay isang Mercedes-Benz na nabili niya bilang regalo sa sarili sa kanyang 20th birthday.

Sa isang interview, inamin ng aktor na 16 years old pa lang siya ay gustong-gusto na niyang magkaroon nito.

Ibinunyag niya rin na binili niya ito bilang isa ring pagrerebelde dahil ayaw ng kanyang ina na si Carmina Villaroel na mag-drive siya.

“So when I bought it, umiyak ako actually,” chika niya noong 2021.

Aniya pa, “I think that was the gift na sinabi ko for the first time na I want to give myself something.”

Read more...