Bangs Garcia proud ibinandera ang pagiging ‘British citizen’

Bangs Garcia proud ibinandera ang pagiging ‘British citizen’

PHOTO: Instagram/@valeriebangsgarcia

MATAGAL nang naninirahan sa United Kingdom ang aktres na si Bangs Garcia at finally, isa na siyang ganap na British citizen!

Ang latest milestone niya ay proud na proud na ibinandera ng celebrity mom sa social media.

Sa Instagram, ipinost agad ni Bangs ang masayang balita matapos siyang manumpa kay King Charles III at sa UK.

Chinika pa niya na last year pa siya dapat naging official citizen ng nasabing bansa, pero ngayong taon lang daw kasi niya ito naasikaso.

Baka Bet Mo: Bangs Garcia inatake ng matinding depresyon sa UK: Na-realize ko hindi ako puwedeng maging housewife talaga…

“A year late, but I’m glad I finally had time to sort out my citizenship this year,” caption niya sa IG.

Kwento niya, “I’ve just pledged allegiance to King Charles III and the United Kingdom earlier. Therefore, I’m officially a British citizen today.”

Sa comment section, maraming fans at netizens ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa kanya.

Kung matatandaan, taong 2017 nang ikinasal si Bangs sa Filipino-British na si lloyd Birchmore.

Tatlong beses pa nga silang nag-isang dibdib sa pamamagitan ng civil wedding, private church wedding at beach wedding.

May dalawa na silang anak na sina Amelia at Isabella.

Matatandaan noong 2004 nang mag-umpisa sa showbiz career ang dating aktres matapos magwagi sa talent search sa Davao.

Ilan lamang sa mga proyekto na kinatampukan niya ay ang “Daddy Di Do Du,” “Let’s Go,” “Palos,” “Bulong,” “Segunda Mano,” at marami pang iba.

Read more...