BINI nilaro ang outfit matapos i-bash online: ‘BINIwockeez yarn?’

BINI nilaro ang outfit matapos i-bash online: 'BINIwockeez yarn?'

ALIW na aliw ang madlang pipol sa ginawang pang-iinis ng tinaguriang nation’s Ppop group na BINI sa kanilang naging airport outfit.

Ngayong araw, July 19, papunta ang Ppop group sa General Santos City para sa kanilang “BINIverse” concert.

Sa inilabas ngang Facebook post ng ABS-CBN News ay makikitang balot na balot ang suot ng BINI at may mask rin ito.

Tila inspired ang suot ng American hip-hop dance crew na Jabbawockeez.

Baka Bet Mo: BINI todo takip ng mukha sa airport, feeling K-pop idols raw?

Agad ngang umani ng samu’t saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang post.

“Labas yung mga bashers jan! Hindi nyo alam mas malakas sila mang-asar. Eyyyyyy,” saad ng isang netizen sa ginawang sagot ng BINI sa kanilang airport outfit.

Comment naman ng isa, “Hahahahaha tawang tawa ako . Eyyyy”

“Tama yan Bini wag papatalo sa mga aspin! Eyyy!!!” hirit naman ng isa.

Dagdag pa ng isa, “HOOOOOOOOOOHHHHHH THE BESTTTTTTT HAHAHAHAHAHAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHA EYYYYYYY MGA BASHERS EYYYYYYYYY”

“Tauhan po ba Sila ni pastor quiboloy?” pabirong sabi naman ng isa.

Matatandaang nag-trending ang BINI kamakailan matapos usisain ang naging outfit nila na tila balot na balot at may nag-comment na feeling KPop idols daw ang mga ito.

Sinakyan naman ng BINI ang mga batikos at mas lalong inasar ang mga pumuna sa kanila.

Read more...