NAGING viral sa social media ang hiling ni Glaiza de Castro na makasama ang nation’s P-Pop girl group na BINI sa next season ng “Running Man Philippines.”
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), nagkaroon ng question and answer ang aktres kasama ang fans.
Isa sa naitanong sa kanya ay ito: “Beshy, kailan niyo iimbitahin sa ‘Running Man Philippines’ ang BINI?”
Ang sagot naman diyan ni Glaiza: “’Pag nag-Season 3 tapos kumpleto kaming 8, para pairing kami hihi.”
Baka Bet Mo: Glaiza, Buboy na-starstruck sa OG star ng ‘Running Man Korea’ na si HaHa
Pag nag season 3 tapos kumpleto kaming 8, para pairing kami hihi https://t.co/vN9i0cPsMq
— Glaiza de Castro (@glaizaredux) July 15, 2024
Maraming BLOOMS o fandom ng nasabing grupo naman ang nagkomento sa post ng aktres at inihayag ang kanilang excitement sa posibleng collab kasama ang iniidolo nilang P-Pop.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Gusto ko sila mapanood na nagtatanggalan ng tags HAHAHAHAHAHA competitive ‘yan sila, walang BINI BINI d’yan basta competition usapan.”
“Omg sana mabigyan ng chance, gusto ko makita barda nila sa tanggalan ng name tag HWHAHAHAH”
“Aabangan po namin yan [holding back tears emojis]”
“Halaaaa for sure it’s gonna be very chaotic HAHAHAHAH”
“‘Di pa naman sigurado pero excited na kaming mga blooms [blooming face emoji]”
Ang “Running Man Philippines” ay ang Philippine adaptation ng reality competition program na sumikat sa South Korea.
Bukod kay Glaiza, tampok din diyan sina Mikael Daez, Angel Guardian, Kokoy De Santos, Buboy Villar, Lexi Gonzalez, at Miguel Tanfelix.
Samantala, nag-trending din ang BINI last week nang inilabas nila ang latest single na “Cherry On Top” at itp’y nanguna sa trending for music ng YouTube.
Kasunod niyan ang exciting news na naimbitahan ang grupo na mag-perform sa KCON LA, isa sa pinakamalaki at bonggang K-Pop events ng United States.