IPINAGDIINAN ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach na hindi sila stage parents sa kambal nilang anak na sina Andres at Atasha Muhlach.
Hindi alam nina Aga at Charlene na gustong mag-showbiz ng kambal kaya nagulat sila ng magsabi ang dalawa kaya ang payo sa twins ay sarili nilang desisyon ito kaya’t pagbutihin nila ang trabaho at higit sa lahat pakisamahan nila ang lahat ng nasa industriya.
Nakausap ang mag-asawa sa mediacon ng “Da Pers Family” sitcom sa TV5 na mula sa direksyon ni Danni Caparas na magsisimula ngayong Linggo, Hulyo 21, 7:15 p.m. at may catch-up airings din sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 p.m.
Anyway, sinadya rin ng mag-asawa na hindi sila ang manager nina Andres at Atasha at ipinagkatiwala sila sa Viva Artist Agency o VAA.
“Ang sa akin lang ay kung ano ang gusto nila. Ako wala akong pangarap na certain hanapbuhay basta sa akin (dapat) maging maayos ang buhay nila (Andres at Atasha) kung anuman ang piliin nila,” kaswal na pahayag ni Aga.
Patuloy niya, “Kaya nu’ng sinabi nila ito (showbiz) sabi ko pagbutihin nila ang trabaho nila kaya nga may manager sila, may sarili silang management team for that.”
Handa rin daw ang aktor kung magkaroon ng ka-loveteam si Atasha.
“Hindi ako pwedeng makialam that’s why may management team sila doon sila that’s their line basta bahala sila.
“Kasi kung anong naging best move for me might not work for them, if it’s work for them then it gonna happen (sumikat),” katwiran ni Morning (pet name ni Aga).
Hindi pala aware ang proud dad ni Tash (palayaw ni Atasha) na nali-link siya kay Daniel Padilla bilang bagong ka-loveteam.
“Inili-link? Hindi ko alam ‘yun, (ngayong alam na), well, wala naman akong magagawa (natawa) kung baga kung saan papunta ang trabaho nila. Wala naman akong kokontrahin kahit saan,” pagsisiguro ng aktor.
Dagdag pa, “bilang artista wala akong kokontrahin kasi lumaki rin ako sa ganu’n. Lalo na kung bago ka (at) nagsisimula, it’s all work, nothing personal. If it’s a nice project, then (go).”
Samantala, maganda ang dalaga nina Aga at Charlene tiyak na maraming magkakagusto dahil nasa showbiz na.
“Kahit wala naman sa showbiz ‘yan kung talagang may aaligid, may aaligid talaga. Alam ko naman na ang anak ko ay hindi akin (forever),” diing sabi ng aktor.
Hindi na rin binanggit ni Aga kung ano ang mga payo niya kay Ataasha pagdating sa pagpili ng soon-to-be boyfriend.
“Alam na niya ‘yun, nasabi ko na ‘yun. Istrikto ako in a sense na nasabi ko na ang gusto kong sabihin, pero sa desisyon, siya (Tasha) ang magde-desisyon. It’s up to them, basta napalaki na namin sila ng tama,” pahayag ni Aga.
Nabanggit pa nang mag-college ang kambal ay sila mismo ang pumili ng eskuwelahang papasukan nilang college/university sa ibang bansa at sila rin ang naglakad ng papeles nila naghanap ng boarding house na ang tanging ginawa lang ni Aga ay binigyan sila ng pambayad sa tuition at sa tutuluyang bahay.
Kaya naman lumaking independent ang kambal at marunong sila sa gawaing bahay dahil wala naman silang helper sa ibang bansa dahil sila-sila ang naglalaba, naglilinis, nagluluto, nago-grocery, nagbabayad ng bills nila.
Gusto naming sabihin na, “sana all” na ganito rin ang pagpapalaki ng ibang magulang sa kanilang mga anak na turuang maging independent at a young age at hindi lumaking spoiled.