Kylie ipinaglaban ang bagong dyowa: Bakit lahat pinahihirapan ako?!

Kylie ipinaglaban ang bagong dyowa: Bakit lahat pinahihirapan ako?!

Kylie Padilla at ang kanyang ‘mystery boyfriend’

“IPINAGLABAN ko rin ‘to! Bakit lahat na lang pinapahirapan ako?” ang hugot ni Kylie Padilla patungkol sa bago niyang karelasyon ngayon.

Diretsahan nang ibinandera ng Kapuso actress na “taken” na siya at totoong may lalaking nagpapaligaya sa kanya ngayon na hindi taga-showbiz. Kung hindi kami nagkakamali, yan ay walang iba kundi ang tattoo artist na si Jinno John Simon.

Baka Bet Mo: Kylie Padilla inilantad na ang bagong dyowa, hirit ng netizens: ‘Sana nga hindi ka niya saktan at lokohin!’

Sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kay Kylie nitong nagdaang Martes, July 16, nabanggit niyang masaya ang kanyang showbiz career at personal life.


“The best thing I love about it is may balance na ako ngayon from my work life to my personal life. In my work life, artista ako. It’s a different world, very different world,” ani Kylie.

“And when I’m with my partner, I’m normal again, I’m just Kylie. I’m the Kylie that grew up in Australia, I’m the Kylie na nanay lang ako, and, you know, I do normal nanay things.

“There’s no trying to keep up a certain image with a partner,” pahayag ng anak ni Sen. Robin Padilla.

Nang tanungin kung ano ang natutunan niya sa buhay at pakikipagrelasyon matapos ang failed marriage kay Aljur Abrenica, “Ba’t lahat na lang? Ba’t pinapahirapan ako? Ha-hahaha!

Baka Bet Mo: Melanie Marquez ipinaglaban ni Gloria Diaz: ‘Dapat daw may korona ako’

“I think of everything in life, may ituturo siya sa ‘yo. There’s a way for you to grow in everything na nangyayari sa ‘yo and you just keep going until you die, right?


“So meron din akong lesson dito sa relationship ko ngayon, and it taught me to just trust myself more talaga and not be too scared to be myself,” sabi ni Kylie.

Dagdag pa niya, “Na-reveal sa ‘kin ‘yung mga ugali ko and ‘yung mga ayokong tanggapin kasi, you know, everyone has ego.

“And in some way, mas hinarap ko siya ngayon this time ‘yung mga imperfections ko kasi nagko-connect siya sa pagiging nanay ko, me as a person. And this relationship really, tinuruan ako din,” lahad pa ng aktres.

Matatandaang taong 2021 nang maghiwalay sina Kylie at Aljur. Inamin ng aktor na totoong niloko niya ang kanyang ex-wife.

Sa ngayon ay maayos na raw ang co-parenting nina Aljur at Kylie sa mga anak nilang sina Alas at Axl. Happy na rin si Aljur sa partner niyang si AJ Raval.

Read more...