Andrea: I’m blooming kasi may bago akong crush, kilig na kilig ako!

I'm blooming kasi may bago akong crush, kilig na kilig ako!

KILIG na kilig ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa bago niyang crush na siyang nagbibigay-kulay at excitement sa kanyang buhay ngayon.

Ang lalaking ito raw ang dahilan kung bakit maraming nagsasabing blooming siya ngayon at mukhang very happy sa kanyang personal life.

In-embrace na rin daw niya nang bonggang-bongga ang pagiging fan girl, at hindi niya ito ikinahihiya ever! Ito rin daw ang nagbibigay sa kanya ng rason para maging positive lang sa life.

“I think in terms of blooming, tinanggap ko na ang pagiging fan girl ko. Mas nagbu-bloom and glow if in-accept mo. Masaya lang ako. I am enjoying,” ang sabi ni Andrea sa isang panayam.

Hirit pa niya, “Tao lang din ako. I have free will to have interest sa bagay-bagay. Dapat free din artista express mga kinikilig-kilig nila.”

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes feeling bride ni Kim Soo-hyun, naiyak: Kahit di na ‘ko ikasal!

 

Ang tinutukoy na guy ni Andrea ay ang Korean oppa na si Byeon Woo Seok na napapanood sa hit K-drama series na “Lovely Runner.”

“I am blooming because I have a new crush. Kaka-discover ko lang kagabi, sa Lovely Runner. Kilig na kilig ako! Actually. 5:46 a.m. na ako natulog,” ang chika ni Andrea.

Pero nilinaw ng Kapamilya star na mas love pa rin niya ang Korean superstar na si Kim Soo Hyun na bumida sa seryeng “Queen of Tears”.

“Crush pa lang si Lovely Runner. Kim Soo Hyun pa din, kasal na kami,” natatawang sey ni Andrea.

“I’m looking more in the morals and values. The character, wala sa lahi. But preferably Korean and pangalan Kim Soo Hyun, actually Baek Hyun Woo, his character in Queen of Tears,” ang kinikilig na sey pa ng dalaga.

Matatandaang nanood si Andrea ng fan meet ni Kim Soo-hyun kamakailan na naka-wedding gown, “Yung may Kim Soo Hyun pina-block off ko agad. Nasa taping ako, tapos bigla akong umiyak nang nalaman ko magkakaroon.

“Kasama ko AC and Harvey. Mas libre na ako mas kaya ko na. Pina-block ko na po. Nagme-messsage ako sa producers namin,” aniya pa.

Nilinaw ng aktres na hindi talaga planado ang kanyang bridal OOTD, “Ang plan lang before simple cardigan. Yung nag-ayos ka pero di masyado. But that day, nawala tickets ko.

“Sa last slide sa post ko makikita niyo umiiyak ako. Pero nagpaayos ako hoping pa din just in case. Thankful ako sa brother ko nagantay siya to retrieve the ticket.

“Then my stylist din said she saw someone in another fan meet dressing up as a bride. She asked ‘gusto mo mag-wedding gown.’

“Alam mo yung malungkot ka, kaya sige na lang. Nag-wedding gown na lang ako agad. Dapat skirt lang, tapos may pinatong. Tapos I asked na if may veil,” pag-alala ni Andrea.

“Bago ako naging actress, fan girl na ako. Kahit sa locals bago ako mag-enter. Tumitili ako sa mga na-meet ko. May album ako and instax ng nakasama ko na artista,” aniya.

Nagkaroon lang siya ng pag-aalinlangan nang ma-bash siya sa pagpo-post ng video habang nagpa-fangirling sa isang sikat na Korean boy band.

“Nagpupuyat ako, I vote, I had a stan account. I had a video where I was singing, I got really bashed. Sobra. I got scared so tinago ko talaga. I tried my best to keep it to myself. I was 14 that time natakot ako.

“Naging quiet lang ako kasi takot ako noon. Mas fierce na ako ipaglaban yung interests ko now. Ngayon inaccept ko na, I am a fan girl. Yes kung bash niyo ako okay lang,” aniya pa.

Read more...