Boy Abunda nag-react sa ‘pasigaw’ hosting ni Alden Richards

Boy Abunda nag-react sa ‘pasigaw’ hosting ni Alden Richards

NAG-COMMENT ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa trending na “pasigaw hosting” ng Kapuso hosy na si Alden Richards.

Matatandaang naging usap-usapan binata nang maging isa ito sa mga hosts sa nagdaang Miss Universe Philippines.

Sa inilabas na report ng GMA Integrated News nitong Martes, July 16, nagbigay so Boy ng mga posibleng dahilan kung bakit sumigaw si Alden sa nagdaang hosting gig.

Aniya, kapag raw talaga nasa entablado ay talagang wala kang maririnig.

Baka Bet Mo: Boy Abunda sa Pride EP niya: ‘I know the joys and pains of being gay’

Saad ni Tito Boy, “Alam n’yo yung criticisms kay Alden na sumisigaw, bumababa, napakahirap no’n kasi when you’re on stage, hindi mo talaga naririnig.

“Lalo na kapag ang monitors are not properly placed on stage. Sisigaw ka talaga.”

Depensa pa ni Boy, siguro ay may notion na dapat ganoon ang gawin.

“Plus, mayroon kang notion na that’s the way they do it. ‘Ladies and gentlemen, the top 20… Vietnam!’

“‘Di ba, may notion ka. Even as a viewer may peg ka kung paano nila ginagawa ‘yun, plus hindi nila naririnig,” dugtong pa ni Boy.

Chika pa ni Boy, sa ngayon raw ay hindi pa niya natuturuan si Alden.

Sure naman daw na willing ang Kapuso actor na matuto.

Read more...