ITINUTURING na ring gay icon ang Kapamilya actress at influencer na si Maris Racal dahil sa mga proyektong kanyang ginagawa.
Mas natuwa pa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community kay Maris nang mag-perform siya sa O Bar, isang iconic venue para sa mga bonggang drag shows at iba pang events.
“Ang saya! Ang saya ng O Bar experience ko! Alam n’yo ba, dream ko yun! Like fantasy ko yun. The real word is fantasy kasi may mga nights talaga na parang, ‘My God, gusto ko mag-perform sa O Bar talaga tapos gusto ko full production.’
Baka Bet Mo: Ate Gay ibinuking kung magkano ang ibinigay na tulong nina Vice, Paolo at Ogie nang maospital siya
“Nag-isip ako kasi since it’s Pride Month and gusto ko magregalo sa community, parang magpeperform ako kahit walang bayad. Okay lang,” sabi pa ng ex-girlfriend ni Rico Blanco sa presscon ng pelikula niyang “Marupok AF” na showing na sa mga sinehan ngayon.
Nang tanungin kung anong feeling kapag tinatawag siyang gay icon dahil sa suporta niya sa LGBTQIA+ community, “Hindi ko naman in-expect na hahantong ako sa ganito.
“Nu’ng 2020 kasi, aaminin ko ah, nung start pa lang nung career ko sa industriya mahiyain talaga ako. Hindi ako makapagsalita, hindi ako makapag-no, opo lang ako nang opo.
“Hindi ako makapag-express kung sino ako. Basically, alam mo yung totoo ka namang mahiyain? Ikaw naman yun. But you evolve, eh.
“And especially nu’ng pandemic, ang dami nating pinagdaanan na iba iba di ba? And nag-cling on ako sa happiness ko while watching RuPaul’s Drag Race, watching Lady Gaga music videos.
“Pero guys, bata pa lang ako naunuod na ako ng America’s Next Top Model. So I think it’s really in me na maging makulit, kuwela, ganito.
“Ganito talaga ako and then nung pandemic na-appreciate ko talaga yung mga drag queens, yung story nila. Hindi lang sila performers, ang dami nilang pinagdaanan,” sabi pa ni Maris.
Baka Bet Mo: Andrea patuloy na makikipaglaban para sa mga karapatan ng LGBTQ: ‘Gustung-gusto ko po talagang maging gay icon’
Dagdag pa niya, “Ang daming hugot sa buhay, discrimination, even from their own parents. And sobrang na-touched talaga ako and doon ko din na-explore yung art na grabe, ang ke-creative nila.
“And ang ta-talented nila and they’re totally supported lalo na du’n sa America. Grabe yung support. And I didn’t know na merong ganung community dito sa Pilipinas until nagkaroon ng Drag Race Philippines.
“Natuwa ako. Parang I felt so happy, genuinely happy when I’m around these people. Kasi napaka-welcoming nila sa kung ano ka, kung outspoken ka, kung mahiyain ka, kung ano man ang ugali mo, welcome na welcome sa community na ito.
“I love the LGBTQIA+ community. I love the gays, sobra. Hindi ko pa naman siguro deserve yung gay icon. Ha-hahahaha! Nahihiya ako! Thankful lang ako.
“Thankful ako sa support nila at mahal na mahal ko sila. And supportado kos sila sa lahat ng pinaglalaban nila sa buhay,” aniya pa.
Tungkol naman sa pelikula niyang “Marupok AF” kasama sina Royce Cabrera at EJ Jallorina, “This movie is very important kasi it tackles real issues.
“But totoo yung nararamdaman nila and with this movie, sana maenlighten ng maraming tao na to be kinder to other people, especially to our LGBTQIA+ community and the trans people,” saad pa ni Maris.