Christopher hindi perfect: Minsan din akong dumaan sa gilid ng impiyerno

Christopher hindi perfect: Minsan din akong dumaan sa gilid ng impyerno

Christopher Roxas at Gladys Reyes

PINATUNAYAN ng itinanghal na Best Supporting Actress sa 7th The EDDYS na si Gladys Reyes na may bahid ng katotohanan ang tinatawag na “7-year-itch.”

Ito yung taon na sinasabing crucial sa relasyon ng mga magdyowa kung saan posibleng mauwi sa hiwalayan ang pagsasama dahil sa iba’t ibang klase ng dahilan.

This year, nag-celebrate sina Gladys at Christopher Roxas ng kanilang 20th anniversary na maituturing ng isa bonggang achievement ng isang mag-asawa na nasa mundo ng showbiz.

Inamin ng Kapuso award-winning actress na tulad ng ibang married couples, dumaan din sa mga matitinding hamon ang kanilang pagsasama.

Baka Bet Mo: Ivana dumaan din sa matinding hirap: May time na wala akong raket kasi pangit ako…

“I think dumaan kami sa ganu’n ‘seven-year itch’ na tinatawag ‘di ba sa relationship na over-familiarity parang sanay ba kayo na nandiyan naman siya, nandiyan ka lang naman ‘di ba? Eh ako, kasi homebody talaga ako, magkabaliktad talaga ‘yung personality namin,” pahayag ni Gladys sa panayam ng “Tao Po.”


Ayon kay Christopher, isa sa mga sikreto sa pagsasama nila ni Gladys ay tiwala sa isa’t isa, “Trust at saka ‘yung may kumpiyansa ka sa sarili. Hindi naman ako perpekto, minsan din akong dumaan sa gilid ng impyerno.

“Pero alam ko ‘yung sarili ko, eh. Ang importante sa akin kung ano ‘yung meron ako ngayon hindi ‘yung bukas, ‘yung kahapon, ‘yung ngayon,” sey pa ng aktor.

Chika naman ni Gladys, “Ang constant lang naman talaga na ano namin dyan is hindi pwedeng maging option or never na magiging option ‘yung hiwalayan.”

Nagbigay din ng advice si Christopher sa lahat ng mga mag-asawa na dumadaan ngayon sa mga pagsubok.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinagot si Paolo ukol sa ‘Fake Bulaga’: Sa isip ng ating mga kababayan, mayroong orihinal na Eat Bulaga

“Sa akin buong pagsasama namin never ako namuhay para sa mata ng iba. Kung ano ‘yung gusto kong iparamdam sa kanya ‘yun ‘yon,” saad ni Christopher.

“Yung beauty ng life, ‘yung unpredictability ‘di ba of life. Pero at the end of it, halimbawa nandu’n ka na sa edge, ‘di ba na gusto mo nang tapusin.

“Siguro bago mo talaga tapusin parang tanungin mo rin ‘yung sarili mo handa na ba ako na after halimbawa 12 years, 10 years ganyan, na makikisama na naman ako sa bagong tao,” ang pahayag naman ni Gladys.

Read more...