PUMIRMA na ng kontrata under Sony Music Entertainment ang rising OPM star na si Paolo Sandejas.
Maaalalang taong 2022, naunang mag-trending ang singer nang mag-viral ang kanyang kanta na “Sorry” matapos itampok at kantahin sa vlog ng isa sa miyembro ng BTS na si V.
Nitong taon lang din nang mapili siya bilang isa sa performers ng pinakamalaking music festival na Wanderland Music and Arts Festival kung saan ilan din sa mga nagtanghal ay sina Jack Johnson, Parcels, at Thundercat.
At bilang parte ng kanyang debut offering sa music label, naglabas si Paolo ng kauna-unahan niyang official single na ang title ay “sirens.”
Ang kanta ay kasama rin sa upcoming solo album niya na malapit nang i-release.
Baka Bet Mo: James naglabas ng bagong hugot song, tungkol kaya sa breakup nila ni Nadine?
Ang hugot song ng singer ay tungkol sa isang pakiramdam na magiging maayos ang lahat basta’t kasama ang taong tinatawag mong “tahanan.”
“I wanted to keep the lyrics really simple with slight variations between verses to tell the story in a subtle way. As writers, we often try to fit as much as we can into a song, but for this track, I wanted to be as efficient as I could while still telling its story,” paliwanag niya sa isang pahayag.
Ibinunyag rin ni Paolo na ito ang nagsisilbing reunion project nila ng musician na si Xergio Ramos.
“The final track sounds so much fuller and more polished compared to what I initially brought to him, and I’m really grateful that he took the time and effort to help bring the song to life,” sey ng rising OPM star.
Dagdag niya, “You’ll definitely be hearing more of him working on my songs in the future.”
Ang “sirens” ni Paolo ay mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms worldwide via Sony Music Entertainment.