Andi dinepensahan ng netizens matapos magsungit umano sa fan: ‘She’s human!’

Andi dinepensahan ng netizens matapos magsungit umano sa fan: ‘She’s human!’

PHOTO: Instagram/@andieigengirl

TO the rescue ang maraming netizens sa celebrity mom na si Andi Eigenmann matapos magsungit umano sa isang fan.

Sa Facebook, mapapanood ang isang video na mukhang nagmamadaling umalis sa isang cafe ang dating aktres, pero may ilang customers doon ang pilit pa ring nagpa-selfie.

Naunang magpa-picture ang isang babae, pero may biglang sumingit at nakisabay na lalaki.

Dahil diyan, pinagsabihan ito ni Andi: “Maybe you can wait your turn at least, sir.”

Naghintay naman ‘yung lalaki at nakapagpa-picture rin after nung nauna sa kanya.

Baka Bet Mo: Andi, Philmar super flex sa 3-year-old baby na kayang mag-surf mag-isa

Ang uploader ng video, hindi na nakalapit kay Andi kaya nag-video nalang siya.

Caption niya, “Papa-picture sana ako pero wag nalang [grimacing face emoji] video nalang hehehehe”

PHOTO: Screengrab from Facebook Reels/Mermaida J Toombs

Sa comment section, marami ang pumuri sa actress-vlogger dahil sa ibinandera nitong “boundaries” pagdating sa ganitong sitwasyon.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Hindi siya suplada straight to the point kasi siya at gumamit ng Sir. Tapos kailangan talaga matutunan ung manners! Tama siya maghintay muna siya na matapos sila kasi bastos ‘yung sisingit ka na hindi pa tapos.”

“Tama naman un sinabi niya [like emoji] nasa tao nalang kung mamasamain or hindi.”

“You can’t always expect people to have a good day. She’s probably doing an errand and on a schedule. Yung kumuha nga video na ito and nag-post dito — stolen video pa nga nagkomentaryo pa.”

“Not an issue at all. She’s human…she needs space, peace, and respect. And people should learn manners in all aspects no matter who you are.”

“She is no longer in showbiz. She has a lot of things to do for a living, a busy mother, buti nga’t pumapayag pa siyang magpa-picture kahit sandali.”

Magugunita sa isang interview noong 2021, nanawagan si Andi sa publiko na sana respetuhin ang privacy nila ng pamilya.

“I really, really hope you guys respect our privacy and realize that we’re also humans and we need to feel when we’re home, we need to feel that we are safe, and that it is a place that we can enjoy being with each other and family,” sey niya.

Read more...