‘Gladiator’ magbabalik sinehan after 24 years, may pasilip sa mga bagong bida

‘Gladiator’ magbabalik sinehan after 24 years, may pasilip sa mga bagong bida

PHOTO: Screengrab from YouTube/Paramount Pictures International

MAKALIPAS ang mahigit dalawang dekada, mapapanood muli sa big screen ang iconic film na “Gladiator.”

Ang action film ay pinamagatan itong “Gladiator 2” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa November 20.

Kung matatandaan, taong 2000 nang inilabas ang unang pelikula nito na pinagbidahan ng sikat na Hollywood actor na si Russell Crowe.

Sa bagong action film, asahan na itutuloy ang epic battle mula sa unang kabanata sa pangunguna ng mga karakter ni Marcus Acacius na ginagampanan ni Pedro Pascal at Lucius Verus na pinagbibidahan naman ni Paul Mescal.

Ilan pa sa mga tampok sa pelikula ay sina Denzel Washington, Connie Nielsen, Joseph Quinn at Fred Hechinger.

Baka Bet Mo: LIST: 5 pelikula na kaabang-abang ngayong Hulyo

As of this writing, isang araw pa lang uploaded ang first trailer at umaani na agad ito ng halos 6,000 views.

Mapapanood na punong-puno na ito ng aksyon at patayan, lalo na pagdating sa loob ng tinatawag nilang “the Colosseum.”

Iikot ang kwento ng pelikula sa dating tagapagmana ng Roman Empire na si Lucius matapos siyang maging alipin, pati na rin kay Maximus na naging “gladiator” at pumasok sa mapanganib na arena dahil tumanggi siyang sumunod sa mga patakaran.

Mukhang excited na si Pedro sa kanyang upcoming film at proud na ibinandera sa kanyang Instagram ang official poster nito, pato na rin ang behind-the-scene photo ng co-star na si Paul na walang suot na pang-itaas.

“Come and get it. #Gladiator2 November 22,” caption niya.

Samantala, wala pang kumpirmasyon kung lalabas din sa bagong pelikula si Russell na bumida sa original film.

Read more...