NAG-SORRY ang Blackpink member na si Jennie matapos mag-viral at mag-trending sa social media ang kanyang video habang nagbe-vape.
Base sa napanood naming video, huli sa akto ang South Korean idol na nagbe-vape sa loob ng isang establishment na may kasamang staff.
Ipinagbabawal ang paninigarilyo o pag-vape sa loob ng mga establisimyento sa South Korea.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang nasabing insidente mula sa mga netizens kaya naman napilitan nang mag-issue ng statement si Jennie at ang kanyang talent management.
Sa pamamagitan ng X (dating Twitter), nag-isyu ang label ni Jennie na Odd Atelier hinggil sa kontrobersiya.
Baka Bet Mo: Jennie ng Blackpink nagsalita na matapos sabihan ng ‘matamlay’, ‘tamad’ magsayaw
“We sincerely apologize to everyone who felt uncomfortable with Jennie’s actions in the content released on July 2,” ang bahagi ng pahayag talent agency ng Korean idol.
Humingi rin ng paumanhin si Jennie sa staff na naapektuhan ng kanyang pagbe-vape, “Jennie acknowledges and deeply regrets her mistake of vaping indoors and causing inconvenience to the staff.
“Jennie has personally apologized to all the staff on-site who may have been affected,” ayon pa sa statement ng Odd Atelier.
Pati sa mga fans ni Jennie at ng Blackpink ay nag-sorry din ang naturang talent management. “We apologize to her fans who have been disappointed through this incident. We hope to prevent this from reoccurring in the future.”
Sa footage na bahagi ng vlog na in-upload sa YouTube channel ni Jennie last July 2 ay makikita ang K-pop idol na nagbe-vape sa loob ng kuwarto habang mine-make-apan.
Dito makikita rin ang pagbuga niya ng usok sa isang staff na hinihinalang kinunan sa isang hotel sa Capri, Italy. Sa ngayon ay deleted na ang naturang eksena sa vlog.
Samantala, ilang netizens ang nagsabing dapat paimbestigahan ng South Korean Embassy sa Italy at Ministry of Foreign Affairs ng South Korea ang member ng Blackpink.
Ayon sa mga ito, kailangan ng isang “investigation from the Italian authorities regarding Blackpink’s Jennie’s indoor smoking incident and take strict action.”