‘Marupok A+’ ni Maris warning sa mga manloloko at magpapaloko

'Marupok A+' ni Maris warning sa mga manloloko at magpapaloko

NGAYONG araw, July 10,  ang showing ng pelikulang “Marupok A+” na exclusive sa Ayala Malls Cinemas dahil sa MTRCB rating nitong R-18.

Ang “Marupok A+” ay kuwento ng babaeng mahilig mag-catfish na alam naman niyang mali pero ini-enjoy niya pa rin – parang hindi kumpleto ang araw niya kapag wala siyang nalolokong tao.

Bida rito si Maris Racal bilang si Beannie na kinukuntsaba si Royce Cabrera as Dennis pero ginagamit ang pangalang Theo para lokohin ang Transwoman na si EJ Jallorina sa karakter na Janzen.

Hindi magandang panoorin ang mga maling gawain sa kapwa pero ginawang comedy ni Direk Quark Henares ang kuwento kaya matatawa ka sa mga eksenang pinaggagawa nina Maris at Royce.

Lalo na ang mga lengguwaheng ginamit na isa sa dahilan kung bakit R-18 ang rating na ibinigay ng MTRCB.

Baka Bet Mo: Maris naging marupok sa pag-ibig: Sinaktan ako pero pinagkakitaan ko!

Hindi boy next door ang dating ni Royce sa “Marupok A+” pero malakas ang appeal niya sa tulad ni EJ kaya naman baliw na baliw ang karakter nito sa kanya at talagang ginawa ang lahat para magkausap at magkakilala sila nang personal.

Ini-enjoy naman ni Maris ang kabaliwan ni EJ kaya kung ano ang naisip niyang drama ay pinagagawa kay Royce na umaangal at umaayaw na pero dahil gustong magkatrabaho at umangat sa buhay kaya pikit mata niyang sinusunod ang inuutos ng direktor niya.

Ang husay nina Maris at EJ sa bonding moments nila sa hotel nang mag-away sila ni Royce na kunwari ay to the rescue ang una bilang nagpakilalang pinsan niya ang huli.

Sa buong oras ng panonood namin ng “Marupok A+” sa My Cinema Greenbelt 3 ay natatawa kami hanggang matapos at kahit na hindi maganda ang panloloko ni Maris kay EJ ay naawa kami sa karakter ng dalaga sa huli dahil ang tanong, bakit niya ito ginagawa?

May problema ba siyang personal na ginagamit ang ibang tao para masabing natutuwa siya bagay na hindi naman naipaliwanag sa kuwento.

Sabi nga karma is real na sa bawa’t maling ginagawa natin sa ibang tao ay may kapalit ito at nangyari ito kay Maris dahil sa ending ay maraming projects ang nawala sa kanya bilang direktor at maraming nagalit na kaibigan at fans.

Kinuwestiyon ni Direk Quark ang R-18 na ibinigay ng MTRCB sa pelikula nila dahil in reality ay ganito naman daw talaga ang linyahan ng mga Gen Z at millennials kaya dapat mapanood ito ng lahat na nasa hustong edad na. Sana raw ay ginawang R-16 man lang.

Sa karakter ni EJ ay tiyak na maraming miyembro ng LGBTQIA+ community ang makaka-relate kung nakaranas na sila ng ganitong panloloko o catfishing sa buhay nila at kung hindi pa ay magsilbing babala ito para hindi sila tuluyang bumigay kapag niloko sila.

Anyway, bukod kina Maris, EJ at Royce  kasama rin sina Gabby Padilla at Cristine Reyes sa pelikula produced by ANIMA Studios at First Cut Lab.

Read more...