Xian Gaza sa BINI: Kung gusto n’yo ng privacy, huwag tumambay sa labas!

Xian Gaza sa BINI: Kung gusto n'yo ng privacy, huwag tumambay sa labas!

Xian Gaza at BINI

HOT topic pa rin ngayon ang nangyari sa BINI member na si Aiah Arceta dahil sa naranasan niyang pambabastos sa Cebu.

Ito yung habang kumakain siya sa isang bar ay may mga nagpi-picture sa kanya at ipino-post sa social media nang real time at may location pa para lang makakuha ng views. Delikado ito para isang celebrity na tulad niya.

Bahagi ng statement ni BINI Aiah, “Some would directly run up to me, grab a photo (even while I was eating), post it in real-time, use my face and post it on pages or places for the sake of clout and publicity without my consent, and worse, some would even include the real-time location, which I don’t think is safe.”

Baka Bet Mo: Pakiusap ni BINI Aiah: Respect our personal time and our humanity

Nakiusap din siya na sana’y huwag masamain ang statement niya at gusto lang din niya ng personal space.


May open letter naman para sa BINI members ang lalaking Marites na si Christian Gaza na ipinost niya sa kanyang Facebook account ngayong araw.

Simula ni Gaza, “OPEN LETTER TO BINI MEMBERS.

“Ilang taon kayong naghahangad sumikat pero walang pumapansin sa inyo.

“Ngayong 2024 lang kayo nakakuha ng matinding break tapos magrereklamo na agad kayo kasi dinudumog kayo ng mga fans habang nasa pampublikong lugar?

“Mga Ate, public figure na kayo ngayon. Sobrang sikat na kayo that’s why ‘yung mga fans ninyo ay nai-starstruck tuwing nakikita kayo. Kung gusto niyo pala ng personal space at privacy eh huwag kayong tumambay sa labas,” sabi ni Gaza.

Baka Bet Mo: BINI ‘di tinapos ang Independence Day performance dahil sa pasaway na fans

Sa ilang dekada namin sa showbiz ay nakasama na namin ang mga baguhan, sumikat at sikat pa ring personalidad hanggang ngayon na totoong may mga ganitong insidente pero hindi naman umaabot sa panghaharas.

Pero totoong may mga nagpapa-picture at nagpapaalam naman at kapag sinabihang pagkatapos ng ginagawa ay matiyaga namang naghihintay.


Dagdag pa ni Xian Gaza, “Hindi sila ‘yung dapat mag-adjust. Kayo ang dapat mag-adjust. Kung gusto niyo pala ng payapang buhay eh huwag kayong kumain sa mga mumurahing restaurant. Huwag kayong pumunta sa mga public space na maraming ordinaryong Pilipino para hindi kayo dinudumog at napeperwisyo.

“Imagine, papunta palang kayo sa peak ng inyong mga karera tapos mag-aattitude na kayo ng ganyan? Paano maco-convert into fans club ‘yung ibang Pilipino kung ganyan na agad kayo? Hanapbuhay niyo yan eh. Pinasok niyo yan. Ginusto niyo yan. Panindigan niyo.

“Alam ko mga Generation Z kayo kaya napakaimportante sa inyo ng personal boundaries. Nauunawaan ko ‘yun. But it doesn’t work that way sa loob ng industriya.

“Being a famous personality comes with great responsibility that’s why yung mga sikat na Pilipino na gusto ng tahimik na buhay eh nag-migrate na lang sa abroad,” sabi pa ng social media personality.

May punto naman, kaya nga karamihan sa ibang sikat na personalidad ay nagpupunta sa ibang bansa o kaya sa mga lugar na hindi gaanong puntahan ng mga tao para magkaroon sila ng privacy.

Pero sabi nga ni BINI Aiah, “Don’t get me wrong, I like taking pictures with others, and I enjoy meeting people who are as passionate as we are in the world of music and entertainment.

“It also warms my heart to hear and see people slowly learning more about me and my group, Bini. But I just hope that people also see and respect us as human beings.

“We don’t always get to go out lately because we have been busy with work, and the least we can ask for is for others to respect our personal time and our humanity.

“I also want to remind everyone to be kinder with their words and actions, especially when expressed online. You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity,” mensahe ni BINI Aiah.

Read more...