Painting ni Amorsolo ninakaw sa museum, 2 suspek huli sa CCTV

Painting ni Amorsolo ninakaw sa museum, 2 suspek huli sa CCTV

INQUIRER photo/Leon Gallery website, Carla P. Gomez

HINAHANAP ngayon ang “Mango Harvesters,” ang 12×18-inch painting ng National Artist na si Fernando Amorsolo.

Ninakaw kasi ito sa Hofileña Museum, isang sikat na private museum sa Silay City, Negros Occidental.

Base sa nakunan ng CCTV footage, dalawang suspek ang kumuha ng painting mula sa second floor kung saan ito naka-display kasama ng ilang obra na gawa ng sikat na Pinoy painters kabilang na sina Juan Luna, Félix Resurrección Hidalgo, Vicente Manansala, Ang Kiukok, H.R. Ocampo, at Benedicto Cabrera.

Ang nawawalang obra ay iba pero pareho sa tema ng “Mango Gatherers” na isa pang gawa ni Amorsolo na nabili sa halagang P46.72 million sa Leon Gallery sa Makati City noong 2018.

“I don’t care about the prices of the paintings,” sey ni Rene Hofileña sa INQUIRER.

Baka Bet Mo: Heart may bagong hugot na idinaan sa lumang painting, sey ng fans: Ramdam namin ang sakit…

Dagdag niya, “I just want to keep my promise to my brother to keep the museum going so the public can continue to enjoy his art collection.”

“This is the first time an art piece has been stolen from a museum in Silay City,” ani pa niya.

Si Rene ang museum administrator at kapatid ng yumaong art collector na si Ramon Hofileña na ginawang museo ang kanyang ancestral home noong 1962.

Ayon kay Rene, nakita nila sa security video recording na ang painting ay kinuha ng bandang alas-10 ng umaga noong July 3.

Ang mga suspek ay isang middle-aged woman at isang lalaki, at posible rin daw na kasabwat nila ang tatlo pang bumisita sa araw na ‘yun.

Kwento niya, ang mga suspek ay ka-join ‘nung una sa tour ng museo, pero nang matapos na ito, sila ay pinayagang bumalik sa second floor dahil akala ng tour guide ay magpi-picture lang ang dalawa.

Hindi na raw ito nabantayan dahil may sumunod na batch ng mga turista ang dumating.

Mapapanood sa CCTV camera na ang lalaki ang kumuha ng painting mula sa dingding at ang babae ang naglagay sa kanyang bag.

Makikita rin na may isa pang couple at may kasamang anak ang nandoon habang ninanakaw ang obra, pero hindi raw sila nagsumbong o nag-report sa nangyari.

“They saw the man take the painting down and put it in the bag of the woman but did not say anything or let us know what happened,” sambit ni Rene at inilarawan na nakasuot ng facemask ang lima.

“It all happened within seconds. The woman with the painting in her bag hurriedly walked out of the museum and down the road,” chika niya.

Patuloy pa ng kapatid ng yumaong art collector, “The woman appeared to be distinguished looking. They seemed to be professionals.”

Dahil sa nangyari, nanawagan si Negros Occidental Historical Council chair Solomon Locsin na tumulong na ma-recover ang painting bilang isa ito sa mga “important piece of Philippine art.”

Sabi niya, mahalaga ang art piece dahil isa ito sa mga early mature works ni Amorsolo na ipininta noong 1936 matapos siyang bumalik sa bansa mula sa pag-aaral niya sa ibang bansa.

Para sa mga hindi aware, si Amorsolo ang first-ever National Artist ng Pilipinas.

Kung may nakalap kayong impormasyon sa nawawalang painting, pwede kayong tumawag sa Silay police sa 09985987443 o 09989674432.

Read more...