Jolina kilig na kilig sa #julyna: ‘Feeling ko birthday ko rin ang July 1!’

Jolina kilig na kilig sa #julyna: 'Feeling ko birthday ko rin ang July 1!’

PHOTO: Instagram/@mariajolina_ig

IBINANDERA ng batikang aktres na si Jolina Magdangal ang kanyang pagkakilig at pagkatuwa sa tuwing sasapit ang buwan ng Hulyo.

Paano ba naman kasi, nagsisidagsaan sa social media ang mga post na may hashtag “July na” na katunog ng kanyang first name na “Jolina.”

Sa pamamagitan ng Instagram, shinare ng aktres ang isang GIF na tampok ang kanyang litrato na nakasuot ng kimono at may paru-paro pang nakapaligid, kalakip din niyan ang caption na “July Na!”

“Gusto ko lang mag THANK YOU sa lahat ng nag-share ng time pumindot sa phone (post, share, repost) pag dumadating na ang buwan ng July,” caption niya sa post.

Dahil daw diyan, pakiramdam niya ay birthday na rin niya dahil marami ang nakakaalala sa kanya.

Baka Bet Mo: Jolina Magdangal ultimate dream na makatrabaho si Charo Santos; gustong sumabak sa pagkokontrabida

“Yung #julyna tapos may picture ko. Feeling ko tuloy birthday ko din ang July 1. Sobrang kilig ko,” sambit ng aktres.

Aniya pa, “Kaninang madaling araw may mga nag-post na at na-tag ako. Kung may entry ka tag mo ako ha.”

Sa comment section, maraming fans at fellow celebrities ang nagpakita ng suporta kay Jolina.

Sey ni Marvin Agustin, “Ang pinaka-paborito kong araw!”

Komento naman ni Melai Cantiveros, “Happy Mosmhejols Month.”

Noong nakaraang buwan lamang, inanunsyo ng Dreamscape Entertainment na magbabalik telebisyon si Jolina makalipas ang halos isang dekada.

Magiging parte siya ng upcoming revenge series na “Lavender Fields” kasama sina Jodi Sta. Maria, Janine Gutierrez at Jericho Rosales.

Ayon sa production company, ang gagampanang role ni Jolina ay bilang si “Lily Atienza.”

Read more...