TILA naging suki na sa pagiging host ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia pagdating sa malalaking national pageants.
Sa loob lamang ng isang buwan, siya ang napiling mag-host sa Miss Universe Philippines at Miss Manila.
Nakasama nga niya riyan sina 2022 Miss Universe R’Bonney Gabriel at 2018 Miss Universe Catriona Gray.
“Grabe, it was too surreal. Nakakatuwa nga eh. Kahit ako, parang, ang tapang ko naman, ’di ba? I’m hosting with Miss Universe,” sey ni Gabbi sa interview ng INQUIRER pagkatapos ng Miss Manila pageant na ginanap sa Manila Metropolitan Theater.
Aminado rin ang aktres na nag-enjoy siyang kasama ang dalawang international beauty queens.
“It’s so fun [because] everybody has the same wavelength, everybody has the same connection. And they’re just really beautiful inside and out, so it was easy to banter with them,” wika niya.
Baka Bet Mo: Gabbi, Khalil pinag-uusapan na ang kasal: ‘Same kami ng end goal’
“He’s really my mentor for hosting now. I’m learning a lot from him,” sambit ni Gabbi.
Chika pa niya, “He saw me in [Miss Universe Philippines], and we saw each other two or three days after that. And he’s been telling me, ‘I watched you, you have potential.’ And then I asked him, I’m so eager to learn about hosting and to improve more.”
“So he took me in, and it’s so fun because he gave me his time to mentor me for this one,” saad pa niya.
Inamin din ng young actress na matagal na siyang fan when it comes to pageants at pangarap din daw niyang maging isang beauty queen someday.
Pero bakit nga ba hindi pa niya i-pursue ito?
Ayon sa kanya, may mga obligasyon pa kasi siya sa kanyang brands at network kaya hindi pa niya pwedeng karirin ang maging beauty queen.
“Right now, I’m focusing on hosting,” sey pa niya.
Kwento ni Gabbi, “I actually felt [that] I belong here, there’s this feeling. So why not improve more on it pa?”
Samantala, Ang Miss Manila title ay naiuwi ni Aliya Rohilla na pambato ng Sta. Cruz, habang si Leean Jamie Santos ng Manuguit ay itinanghal na Miss Manila-Tourism at ang aktres na si Xena Ramos from Sta. Ana ang nagwagi ng Miss Manila-Charity.