Payo ni Joaquin Domagoso sa anak, maging marespeto kahit kanino

Payo ni Joaquin Domagoso sa anak, maging marespeto kahit kanino

Joaquin Domagoso at Scott Domagoso

TOUCHING ang naging mensahe ng Kapuso actor Joaquin Domagoso para sa kanyang anak na itinuturing niya ngayong biggest blessing na natanggap niya mula sa Diyos.

Sa guesting niya sa online show na “Detox” mula sa Sparkle GMA Artist Center, nagbahagi si Joaquin ng ilang kaganapan sa kanyang pagiging batang ama.

Aminado ang anak ni former Manila Mayor Isko Moreno na mahirap talaga ang maging tatay pero mas masarap naman daw sa pakiramdam kapag nakakasama at nakakalaro niya ang anak.

Baka Bet Mo: Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Sa isang bahagi ng online show, nahilingan si Joaquin na magbigay ng mensahe para sa “future Scott” na maaari nitong maging baon at isabuhay kapag nasa tamang edad na siya.


“Scott, sana matangkad pa rin. Sana kasi pogi mo lang ‘yung papa mo, o lolo mo na mas pogi pa.

“Bukod doon, ‘yung ugali mo importante. It’s always important to treat people with respect than you trying to earn it, try to give it first,” paalala pa ni Joaquin sa panganay na anak nila ng kanyang partner na si Raffa Castro.

Baka Bet Mo: Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!

Hindi naman nagkuwento ang aktor tungkol sa estado ng relasyon nila ngayon ni Raffa. Nang huli namin siyang makapanayam ang tanging nasabi lang niya ay wala pa silang planong magpakasal.


Tungkol naman sa iba pa niyang pangarap sa buhay, nais daw ni Joaquin na makatulong sa mga kapuspalad nating mga kababayan. Totoo raw na naging inspirasyon niya si Yorme pagdating sa pagkakawang-gawa.

“Ang gusto ko talaga ay makatulong one day. Yung mindset ko, iba naman sa mindset ni Papa. ‘Yung mindset ni Papa, gusto niya tumulong kasi naranasan na niya ‘yung sakit at hirap.

“Ako naman, gusto kong makatulong para maranasan naman ng iba ‘yung sarap. ‘Yung sarap kasi, nalasahan ko na siya, e. Sana malasahan din ng iba,” paliwanag ng batang ama.

Napapanood si Joaquin ngayon bilang si Inno sa GMA Afternoon Prime legal series na “Lilet Matias, Attorney-At-Law” na pinagbibidahan ni Jo Berry.

Read more...