HIGIT pa sa mala-action packed film ang bagong pelikula ng legendary Hollywood actor at filmmaker na si Kevin Costner.
Ito ang 3-hour movie na “Horizon: An American Saga” na kasalukuyan nang mapapanood sa lahat ng lokal na sinehan.
Ang pelikula ang directorial comeback ng American star matapos ang matagumpay niyang pagbida sa western series na “Yellowstone.”
Bukod sa mga intense na bakbakan at giyera, kakaiba at talaga naman interesting ang atake ng istorya nito.
Ang setting ng epic journey nito ay panahon ng American Civil War noong 1860’s kung saan nag-aagawan ng lupa ang Native American people at ang mga nais na tumira sa kanilang nasasakupan.
Baka Bet Mo: Kilabutan, magulat sa pinakabagong installment ng ‘A Quiet Place’
Narito ang synopsis ng drama action film:
“‘Horizon: An American Saga’ explores the lure of the Old West and how it was won – and lost – through the blood, sweat and tears of many. Spanning the four years of the American Civil War, from 1861 to 1865, Costner’s ambitious cinematic adventure will take audiences on an emotional journey across a country at war with itself.”
Ayaw naman namin i-spoil ang buong kwento, pero ‘nung napanood namin ito ay halos hindi na kami makahinga dahil sa sunod-sunod na maaaksyong eksena.
Hindi nga rin namin napansin na lumipas na ang tatlong oras at nabitin pa nga kami sa pelikula.
Alam niyo ‘yung pakiramdam na gustong-gusto niyo pa malaman ang mga susunod? Ganun mismo kaya looking forward kami sa mga susunod na chapter.
May apat na chapter ang pelikula ni Kevin, at ang good news ay malapit na ang kasunod ng unang parte!
Ang Chapter 2 ay naka-schedule na sa August 16!
Para sa kaalaman din ng marami, star-studded ang drama film na bukod sa direktor ay tampok din sina Sienna Miller, Sam Worthington, Jena Malone, Jamie Campbell Bower, Isabelle Fuhrmann, Giovanni Ribisi at Luke Wilson.
Ayon kay Kevin, 36 years in the making ang kanyang four movies bago naipalabas sa mga sinehan.
Ang nakakagulat pa, siya mismo ang namuhunan dito na umabot sa halos $38 million o P mahigit P2.2 billion!
“I don’t fall out of love with what I think is something good,” sey ng direktor at aktor sa isang press conference.
Ayon sa mga ulat, ang pelikula ni Kevin ay umani ng seven-minute standing ovation matapos unang ipalabas sa Cannes Film Festival.
Rated R-13 ang “Horizon: An American Saga,” base sa local censor’s board na Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at distributed by Parallax Studios, Saga Films with Axinite Digicinema.